Showbiz News

Kim Domingo, inaming nabawasan ang fans nang itinigil ang kanyang sexy image

By Loretta Ramirez

Maraming naging rebelasyon si Kim Domingo sa kanyang unang video sa YouTube.

Isa sa mga ito ay ang kanyang desisyon na ihinto ang kanyang sexy image. Ayon kay Kim, hindi ito madali at mayroon ding hindi siya agad naintindihan sa kanyang desisyon.

Kim Domingo, ibinahagi kung bakit hindi na siya nagpapa-sexy

Kinuwento pa ng Kapuso star ang nangyari sa kanyang fans na dating humahanga sa kanya noong siya ay nagpapa-sexy pa.

"'Yung mga dating humahanga sa akin, sumusuporta noong time na hubadera ako, ang dami nila! As in, ang tunog ng pangalang Kim Domingo, pantasya ng bayan.

"Hindi sa pagmamayabang, pero pumutok talaga 'yung pangalang Kim Domingo noong nagpa-sexy ako."

Pag-amin ni Kim, maraming fans ang nawala.

"Maraming nawala pero ang hindi n'yo alam maraming pumalit doon sa mga nawala. Mas maraming taong nagmamahal sa akin ngayon. May mga nawala pero may mga pumalit."

Kuwento pa ni Kim, masaya siya dahil alam niyang ang fans niya ngayon ay nirerespeto siya.

"Ang daming taong mas nakaka-appreciate ngayon sa akin. Doon ako nagti-thank you. Ganito pala yung lasa ng nirerespeto ka. Mas masarap siya kesa doon sa mga 'Ang sexy mo, ang hot mo!'"

Nilinaw rin ng aktres na hindi siya tutol sa mga nagpapa-sexy. Gusto niya lamang umano ipahayag ang kanyang saya sa kanyang naging desisyon.

"Hindi ako against sa nagpapa-sexy kasi nanggaling ako diyan e. Sino ako para manghusga.

"Masayang masaya ako. Gusto kong malaman ninyo na masayang masaya ako doon. I'm free!"

Saad pa ni Kim, gusto niya na napapansin ngayon ang kanyang talento.

"'Ang sexy mo,' ayoko na ng ganon! Gusto ko na 'yung 'Ang galing mo Kim.' Mas gusto kong mapapansin 'yung talent ko. 'Yung ako bilang aktres. 'Yung ako bilang artista. 'Yun 'yung mas gusto kong mapansin sa akin ng tao."

Kim Domingo, may mensahe sa mga mapagmataas at inggitera