Showbiz News

Mikee Quintos, grateful na nakapag-reflect sa ilang bagay ngayong quarantine

By Marah Ruiz

Kahit sa gitna ng COVID-19 pandemic, marami pa ring mga bagay ang ipinagpapasalamat ni Kapuso actress Mikee Quintos.

Kasama niya ang kanyang pamilya noong quarantine at ipinagpapasalamat niya ang pagkakataong makapiling niya ang mga ito.

Thankful din daw si Mikee sa oras na ginamit niya para mag-reflect tungkol sa ilang bagay tungkol sa kanyang buhay.

"This whole thing gave all of us an opportunity to realize a lot of different stuff. It's one big opportunity and it's based on you, on how you're gonna take it, and how you're gonna use it. I'm thankful for all these opportunities," bahagi ni Mikee sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Bukod dito, masaya din daw siya na may magandang naidulot sa kalikasan ang pamamalagi niya sa bahay.

"Surprisingly, I'm very grateful na nakatulong sa Mother Nature 'yung pagse-stay natin sa bahay lahat. Napapansin mo ba kung gaano kaganda 'yung mga sky lately? Try looking out of your window now and then. Somehow, parang mas malinis 'yung hangin natin ngayon," aniya.

Alamin ang iba pang bagay na ipinagpapasalamat ni Mikee sa video na ito:



Ibinahagi din ni Mikee kamakailan ang mga bagay na nais niyang gawin matapos ang quarantine.

Isa na dito ang pagpunta ng South Korea, na impluwensiya dawng pagpanood niya ng K-drama.

Sumalang din kamakailan si Mikee sa E-Date Mo si Idol kung saan kinilig siya sa date nila ng software engineer na si Ken.