Showbiz News

Rhian Ramos, pabor sa mga pag-replay ng mga lumang palabas ngayong quarantine

By Marah Ruiz

Minsan nang inamin ni Kapuso actress Rhian Ramos na may pag-aalangan siya sa pagbalik sa trabaho kahit na nasa ilalim na ng general community quaratine ang ilang bahagi ng bansa.

Iiwas daw muna siya sa kissing scenes at manghihingi pa ng health certificate sa ka-eksena kung sakaling hindi talaga ito maiiwasan.

Sa tingin daw niya, magandang ideya ang pagre-replay muna ng mga lumang palabas habang may quarantine pa.

Mahirap pa rin kasi na mag-taping lalo na at nariyan pa rin ang banta ng COVID-19. Bukod dito, nabibigyan din ng "second life" at mapapanood pa ng mga bagong audience ang mga palabas noon.

"Sa ngayon, I think it's a good idea na binabalik 'yung mga dating shows. Kasi marami doon sa shows na 'yun, ginawa sa panahon na hindi pa uso 'yung i-stream online or anything like that. It's good that these shows have a second life," pahayag ni Rhian sa isang panayam kasama ang ilang miyembro ng media, kabilang ang GMANetwork.com.

"Iba kasi 'yung mga show ngayon. When it's available online pwedeng isang upo natapos mo na lahat. Ang bilis ng consumption. Ang tagal tagal niyang gawin, tapos ang bilis mo siyang iko-consume," dagdag pa ni Rhian.

Gayunpaman, aminado si Rhian na nami-miss na rin niya ang showbiz.

"Ako excited ako for that time when the station decides safe na para sa ating lahat na magtaping ulit. Excited talaga 'ko for that time," aniya.




Isa si Rhian sa mga artistang may teleseryeng naantala sa gitna ng pandemic. Bahagi kasi siya ang GMA Telebabad series ng Love of My Life na tumigil sa produksiyon dahil sa COVID-19.

Sa ngayon, kasalukuyang napapanood si Rhian sa Stairway to Heaven, ang Philippine adaptation ng hit K-drama series na may parehong pamagat.