TV

Rhian Ramos, inalala ang 'perks' ng 'Stairway to Heaven' taping

By Marah Ruiz

Maraming magagandang alaala si Kapuso actress Rhian Ramos sa 2009 Philippine adaptation ng seryeng Stairway to Heaven.

Rhian Ramos, ginusto bang makilala ang Korean leads ng 'Stairway to Heaven?'

18-years old lang si Rhian nang gumanap siya dito bilang bidang si Jodi.

Lagi daw masaya sa set noon, lalo na at laging wagi sa ratings ang serye.

Matatandaang nagtala ng 33.5% viewership rating sa Metro Manila ang unang episode nito ayon sa AGB Nielsen, habang 30.7% naman ang sa finale.

Masaya daw si Rhian na mahanay ito sa iba pang matagumpay ng mga seryeng ibinalik din bilang bahagi ng special enhanced community quarantine programming ng GMA Network tulad ng My Husband's Lover at Ika-6 Na Utos.

Inalala din niya ang ilang "perks" ng pagte-taping para sa serye noon.

"Noong time na 'yun nagte-taping kami sa Enchanted Kingdom. Ako 'yung panalo kasi taga-Alabang ako noon eh. Ako 'yung pinaka malapit sa lugar na 'yun, lahat sila malayo," pag-alala ni Rhian sa panayam niya sa ilang piling miyembro ng media kabilang ang GMANetwork.com.

At dahil malapit lang sa kanilang bahay ang taping location, madalas daw silang padalhan ng pagkain ng kanyang mommy.

Bukod dito, lubos na na-enjoy ni Rhian ang pagte-taping sa isang amusement park.

"Ino-on nila 'yung rides para lang sa amin. Kami lang 'yung tao sa theme park. Pero kunwari sasabihin namin, 'Gusto kong mag-Anchors Away,' and siyempre bagets pa 'ko noon 'di ba? Gusto ko lagi. Ino-on nila para lang sa amin," kuwento niya.

Alamin ang iba pang magagandang memories ni Rhian mula sa set ng Stairway to Heaven dito:


Minsan nang ibinahagi ni Rhian na ang Stairway to Heaven ang nag-inspire sa kanya para mas maging seryoso bilang aktres.

Tunghayan ito Lunes hanggang Biyernes, 3:25 pm sa GMA Afternoon Prime.