GMA Logo Joy Cancio and Rochelle Pangilinan
What's Hot

Rochelle Pangilinan sa ex-manager na si Joy Cancio: "Pinaarte mo kami sa TV kahit ayaw namin..."

By Jansen Ramos
Published June 17, 2020 7:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

ICI calls for probe on Cabral’s death
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Joy Cancio and Rochelle Pangilinan


"Malaking parte ka ng buhay ko dahil isa ka sa mga dahilan kung bakit nakaahon ang pamilya ko sa hirap," pahayag ni Rochelle Pangilinan sa birthday message niya para sa dating manager na si Joy Cancio.

Nitong June 17, ishinare ni Rochelle Pangilinan sa Instagram ang kanyang touching birthday message para sa dating manager na si Joy Cancio.

Sa kanyang post, binalikan ng dating SexBomb dancer ang kanyang humble beginnings kasama ang grupong SexBomb na binuo ni Joy.

Nagsimula at sumayaw ako sayo simula 15 yrs old. Napakadami nating pinagdaanan... masaya at malungkot, sa hirap at ginhawa, sumikat at medyo hindi na sikat 🤣 shows na north to south- south to north, halos buong Pilipinas at labas ng bansa ang naikot ko para sayawan o kantahan, kumpleto man ang tulog o puyat, May sakit man o wala, pagod to the highest level hanggang sa maiyak.. pinaarte mo kami sa TV kahit ayaw namin haha! Sa bandang huli ay nagustuhan din at gustong gusto! 😆 tampuhan tapos bati ulit kasi isip bata kami 😬 pero nagtyaga ka sa min.. madami kami. NAPAKADAMI! 😁 Minahal mo kami na parang anak mo. Malaking parte ka ng buhay ko dahil isa ka sa mga dahilan kung bakit nakaahon ang pamilya ko sa hirap. Hindi man tayo araw araw na magkasama o laging nagkikita, hindi ko man nasabi sayo pero mahal kita. Maraming maraming salamat sa lahat! Ikaw ang naging pangalawang nanay ko ... at ngayong kaarawan mo.. hiling ko ang magandang kalusugan at maraming blessings pa sa buhay mo. Tuwang tuwa po ako sa mga magagandang nangyari sayo. Nandito lang lagi ako, kami. Kasama ang aking asawa at anak. We Love you sooooo much! Happy birthday!!! Jocelyn Cancio

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) on

Bungad ng 38-year-old actress/dancer, "Nagsimula at sumayaw ako sa 'yo simula 15 yrs old.

"Napakadami nating pinagdaanan... masaya at malungkot, sa hirap at ginhawa, sumikat at medyo hindi na sikat.

"Shows na north to south, south to north, halos buong Pilipinas at labas ng bansa ang naikot ko para sayawan o kantahan, kumpleto man ang tulog o puyat, may sakit man o wala.

"Pagod to the highest level hanggang sa maiyak.."

Dugtong ni Rochelle, "Pinaarte mo kami sa TV kahit ayaw namin haha! Sa bandang huli ay nagustuhan din at gustong gusto!"

Bilang dating alaga ni Joy, pinuri ni Rochelle ang pagmamalasakit ng kanyang ex-manager sa kabila ng kanilang paghihirap noon.

Sabi niya, "Tampuhan tapos bati ulit kasi isip bata kami pero nagtiyaga ka sa 'min.. madami kami. NAPAKADAMI!"

"Minahal mo kami na parang anak mo."

Ayon pa kay Rochelle, malaki ang utang na loob niya kay Joy dahil ito ang dahilan kung bakit nakaahon sa hirap ang kanyang pamilya.

"Malaking parte ka ng buhay ko dahil isa ka sa mga dahilan kung bakit nakaahon ang pamilya ko sa hirap.

"Hindi man tayo araw-araw na magkasama o laging nagkikita, hindi ko man nasabi sa 'yo pero mahal kita.

"Maraming, maraming salamat sa lahat!"

Dagdag pa ni Rochelle, "Ikaw ang naging pangalawang nanay ko... at ngayong kaarawan mo.. hiling ko ang magandang kalusugan at maraming blessings pa sa buhay mo.

"Tuwang tuwa po ako sa mga magagandang nangyari sa 'yo.

"Nandito lang lagi ako, kami. Kasama ang aking asawa at anak.

"We Love you sooooo much! Happy birthday!!! Jocelyn Cancio"

Rochelle Pangilinan at ilang SexBomb singers, nag-online reunion

WATCH: Former Sexbomb Girls manager Joy Cancio, umaming nalulong sa sugal kaya nawala sa showbiz

IN PHOTOS: SexBomb dancers na certified mommies na ngayon