
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Ken Chan, ibinahagi niya ang kanyang rason kung bakit nawala ang napakaraming photos niya sa Instagram.
Pag-amin ni Ken nasa 3,000 na noon ang kanyang Instagram posts.
Pagsisimula ni Ken, sa quarantine period nakapaglinis umano siya ng kanyang Instagram page.
"Sabi ko hindi lang ako nag-declutter ng mga gamit ko, mga damit, dito sa bahay during the lockdown. Nag-declutter rin po ako ng mga photos."
Ayon pa sa Kapuso aktor, gusto niya na may purpose ang bawat upload na gagawin niya.
"Gusto ko po na 'yung pag-post ko po sa social media ko, may purpose po."
Dagdag pa niya, "Before talagang kahit anong photos na lang ipo-post, kahit ano'ng bagay ipo-post ko."
Hangad ni Ken ngayon ay may matutunan umano ang kanyang mga followers sa kanyang posts online.
"Ngayon gusto ko, every time na magpo-post ako ng isang picture o magpo-post ako ng photo gusto ko sa photo na 'yun may matututunan 'yung mga tao. Gusto ko every time na magpo-post po ako yung caption ko may lessons po. Gusto kong i-share 'yung mga natutunan ko sa buhay especially during this pandemic time."
EXCLUSIVE: Ken Chan, binigyang-diin ang paggamit nang wasto ng social media
Ken Chan, hanga sa mga babaeng kayang maunang magpahayag ng kanilang nararamdaman