Showbiz News

Newborn baby ng komedyanteng si Tekla, may anorectal malformation

By Dianara Alegre

May bagong blessing sa buhay ng komedyanteng si Tekla dahil isinilang kamakailan ang bunso niyang anak na si Baby Angelo.

Ngunit ang biyayang ito ay nasabayan din ng matinding pagsubok nang madiskubreng may birth defect ang sanggol. May anorectal malformation si baby Angelo, ibig sabihin, walang butas ang kanyang puwit.

Sa eksklusibong panayam 24 Oras, hindi napigilan ni Tekla na maging emosyonal nang ikuwento ang kalagayan ng anak.

“Kaba 'tsaka takot ko, ganu'n na lang. Masakit bilang isang tatay. Ilalapag ko lahat. Ilalapag ko kung anong kayang ilapag,”

“Handa akong mag-start ulit. That's life pero at the end of the day, wala akong pagsisisihan,” umiiyak niyang sabi.

WATCH: Tekla, may mensahe para sa anak na naiwan sa Bacolod

Aniya, magiging iba siguro ang sitwasyon kung hindi isinilang si Baby Angelo sa gitna ng pandemya kung saan mahina ang kabuhayan at marami ang naghihirap.

Ngunit sa kabila nito, nananatili siyang matatag at patuloy na nananalig sa Panginoon.

“Sabi ko, 'Bro, grabe Ka naman. Dito Mo pa talaga binigay itong ganitong situation na wala akong kalaban-laban kundi ang humagulgol at maglupasay.

“Ganu'n talaga. That's life. Kung will ni God na ibigay niya sa akin… never akong mawawalan ng pag-asa,” aniya.

Nagkataon lang siguro. Lahat susuyurin ko pero at this moment, wala ka talagang masusuyod, e,” dagdag pa ni Tekla.

Dahil hindi madali ang pagpapagamot kay Baby Angelo, tatanggapin umano ni Tekla ang anumang tulong para sa kagalingan ng anak.

“If ever na may taong tutulong, sobrang blessing talaga at lifetime kong pasasalamatan. We're fighting kasi ganoon kaimportante ang buhay,” sabi pa niya.

May anak na babae si Tekla, si Airah Librada, sa dati niyang asawa.

Panoorin ang buong 24 Oras report: