Showbiz News

Bintang na sex scandal kay Andre Yllana, inaksyunan ni Aiko Melendez

By Dianara Alegre

Ibinahagi ni Prima Donnas star Aiko Melendez na inaksyunan niya at ng kanyang pamilya ang paratang na may sex scandal umano ang anak niyang si Andre Yllana.

Ayon kay Aiko, dumulog na sila sa CIDG Anti-Crime Group para humingi ng tulong at matukoy ang ang netizen na nagpakalat ng malisyosong balita tungkol sa panganay niyang anak.

“Salamat po kay General Agustin at Colonel Oliviar dahil talagang 'yung aksyon na ginawa nila ay napakaagaran.

“Nag-file na kami ng formal complaint, so sa mga susunod na araw, may ginagawa ng plano ang CIDG. Kami ay nakaantabay na lang kung ano ang gagawin ng CIDG.

“Iniwan na namin sa kanila 'yung mga aksyon na gagawin nila,” aniya.

Binanggit din ng aktres na panatag na umano ang kanyang pamilya, lalo na si Andre, dahil kilala na nila kung sino ang nagpakalat ng balita.

“The first three days, Andre couldn't sleep. Siyempre it formed a depression du'n sa bata because for you to be accused of having a sex scandal is something else.

“I would teach him a lesson that he would regret learning,” sabi pa ng aktres.

EXCLUSIVE: Aiko Melendez reveals advice to son Andre amidst controversy involving Jomari Yllana

Aiko Melendez proud of what son Andre Yllana has achieved

Samantala, dahil natigil sa pagtatrabaho on-cam ay nagsimula ng bagong business si Aiko. Nagbebenta ngayon ang aktres ng mga protective equipment laban sa iba't ibang uri ng sakit.

“It focuses on the gadgets that keep you away from the viruses particularly sa COVID-19. 'Yan ang fino-focus ko sa business kong ito.

“Part of it is you can help people that's why it's a different satisfaction for me,” aniya.

Bukod dito, masaya ring ibinahagi ng isa sa mga pinakaiinisang kontrabida na malapit nang mapanood ulit ang hit Kapuso series na Prima Donnas.

“Sa mga Kapuso na nanonood ngayon, abangan n'yo, malapit nang bumalik ang 'Prima Donnas.'

“Si Kendra na nami-miss n'yo, na message kayo nang message na kalian ba babalik ang kinaiinisan n'yong si Kendra, malapit na malapit na,” sabi pa niya.
Matatandaang pansamantalang natigil ang produksyon ng mga serye at iba pang entertainment show sa telebisyon dahil sa banta ng COVID-19 disease.

Panoorin ang buong 24 Oras report: