Showbiz News

Netizens excited nang mapanood ang 'Misty' mamayang gabi!

By Cara Emmeline Garcia

Hindi napigilang maantig ng mga netizen sa bagong Korean drama na hatid ng GMA The Heart of Asia na Misty!

Sa pinalabas na full trailer nito sa official Facebook page ng Heart of Asia noong Biyernes, June 26, napuno ng papuri ang post at umani pa ng halos 2,000 Likes at mahigit 400 Shares sa naturang social media platform.

Marami sa mga netizen ang nagsabing kaabang-abang ang upcoming K-drama matapos nilang mapanood ang trailer at inilahad na “nakaka-goosebumps” ang dating nito.

OfficialGMAHOA (FB)

Ang ilan naman, ikinagulat ang pagbabalik ni Asianovela singing royalty Faith Cuneta sa pagkanta ng “It Must Have Been Love” na ginamit bilang official Philippine soundtrack ng Misty.

Saad ng isang fan, “The OST used by GMA HOA Team and sung by Faith Cuneta gives more excitement sa series! Ang ganda ng quality ng series! Ang galing gumawa ng trailer ng GMA! Halatang pinaghandaan nila!

“P.S. Paki-upload agad 'yung version ng 'It Must Have Been Love' ni Faith! Ang ganda ng version”

Panoorin ang full trailer nito:

Huwag palampasin ang handog ng GMA The Heart of Asia na tiyak na kababaliwan niyo gabi-gabi. Abangan ang Misty, mamayang gabi na!

IN PHOTOS: Get to know the characters in 'Misty'

IN PHOTOS: Meet 3-time Baeksang Best Actress Kim Nam-joo