Showbiz News

'Misty' theme song na 'It Must Have Been Love,' kakantahin ni Faith Cuneta

By Dianara Alegre

Sa pagdiriwang ng ika-17 taon ng GMA Heart of Asia (HOA) ay isa na namang Korean drama masterpiece ang ihahandog ng network para sa mga viewer, ang Misty.

Bida sa K-drama na Misty ang South Korean actress na si Kim Nam-joo bilang si Ariane Go, isang popular anchor woman na sa kabila ng kasikatan ay may itinatago pa lang lihim.

Talagang masterpiece ang seryeng ito dahil nakapag-uwi si Nam-joo ng tatlong Best Actress Award para sa kanyang pagganap sa Misty.

4 Reasons why K-drama 'Misty' is a must-watch

IN PHOTOS: Get to know the characters in 'Misty'

Ambitions and desires take the spotlight on GMA Heart of Asia's 'Misty'

“It Must Have Been Love” | Misty

At upang lalong mas paigtingin ang pagdiriwang ng 17 years ng HOA, ang theme song ng na “It Must Have Been Love” ay aawitin ng tinaguriang OG Koreanovela Diva na si Faith Cuneta.

Matatandaang si Faith ang kumanta ng mga unang Kapuso Korean dramas tulad ng Endless Love, Winter Sonata, Stairway to Heaven, Jumong at Jewel in the Palace.

“Lumabas ako para mag-record kaya ayon, okay naman. Kasi first time ko talagang kumanta in a recording studio after a long time because of COVID-19.

“The studio naman made sure na sanitized [ito], so okay naman. It was an experience for me na I was able to record dito sa pandemic,” ani Faith.

Faith Cuneta, sinabing malaki ang utang na loob sa GMA

GMA's Koreanovela Diva, Faith Cuneta sings 'Stairway to Heaven' theme song

Samantala, kasalukuyang napapanood ang Philippine Adaptation ng Koreanovela na Stairway To Heaven na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos.

SI Faith ang kumanta ng theme song nito na hanggang ngayon ay tinatangkilik at patok pa rin sa publiko.

“Tapos 'yung 'Stairway,' ang bata pa ng boses ko. Imagine, 17 years ago. Tapos itong song na 'to, ay iba na. Parang nag-mature na,”

“'Wag kayo magsawa. Magaganda naman talaga 'yung mga kanta tsaka napakaganda naman talaga ng story ng Misty, sa trailer pa lang grabe. Alam mong aabangan,” sabi pa niya.

Panoorin ang buong 24 Oras report: