Showbiz News

'Heart Of Asia' digital channel is here para sa inyong Asian drama cravings

By Felix Ilaya

Sa ika-70 na anibersaryo ng GMA Network, patuloy pa rin ang aming serbisyong maghatid ng mga programang tiyak na aantig sa puso at magdadagdag ng kulay sa buhay ng bawat Pilipino.

Ngayong Lunes, June 29, inilunsad ng "Home of the best Asian dramas" ang sariling digital channel na 'Heart Of Asia' kung saan mapapanood ang pinakamagandang K-drama titles at Asian drama series!

Isa sa mga dapat tunghayan ng mga manonood ang award-winning Korean series na 'Sky Castle,' isang storya tungkol sa four housewives na nakatira sa isang luxurious residential area na kung tawagin ay Sky Castle. Lahat sila iisa ang ambisyon--to get their kids into Seoul National University Medical School.

Tampok dito sina Lotlot de Leon, Angelu de Leon, Chynna Ortaleza, Angelika dela Cruz, and Sunshine Dizon na magbibigay boses at buhay sa powerful female characters ng serye.

Sa seryeng 'Dong Yi,' hayaan n'yong maantig sa kuwento ni Dong Yi (Han Hyo Joo), isang babae na handang gawin ang lahat upang umangat sa buhay at maging isa sa most successful women in Korea.

Good vibes naman ang hatid ng 'Love in Trouble' starring Ji Chang-wook bilang Gerald Noh at Nam Ji-hyun bilang Monique Eun. Magiging masalimuot ang kanilang careers at personal lives nang simulan nilang lutasin ang misteryo ng ilang murder cases.

Ang Chinese fantasy series naman na 'Starry Night, Starry Sea' ay tungkol kay Shen Luo (Bea Hayden), an ordinary girl who moves from the busy city life para mamuhay nang simple sa isang small cottage on the island.

Naka-lineup din sa mga ipapalabas sa Heart Of Asia ang 'You're My Destiny,' ang kauna-unahang Lakorn o Thai series na ipinalabas sa Philippine TV. Starring Esther Supraleela as Martina, ito ay tungkol sa isang law office clerk who was given the moniker “Sticky Note Girl” dahil sa pagiging overly-keen and a push-over employee nito. Magbabago ang takbo na kanyang buhay after a one-night stand sa heir ng kumpanya na si Paolo (Wisetkaew Sukrit).

Bukod sa Filipino-dubbed Asianovelas, inihahandog din Heart of Asia digital channel ang ilang all-time favorite Kapuso serye.

Take a journey back in time kasama si Primetime Queen Marian Rivera sa Philippine TV's first ever epic-serye 'Amaya.'

Set in the pre-colonial period of the 1500s, ang 'Amaya' ay tungkol sa isang prinsesa who is forced into slavery. Kalaunan madidiskubre niyang mayroon siyang extraordinary powers na puwede niyang gamitin to lead her people.

Mapapanood din ang 2011 remake ng 'Ikaw Lang Ang Mamahalin,' starring Primetime Princess Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Joyce Ching, and Kristoffer Martin. Tungkol naman ito kay Katherine who will try to discover her true identity matapos n'yang magka-amnesia.

Magbabalik din ang “glossy drama masterpiece” of primetime television' na 'Legacy' kasama sina Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista, Premier Drama Actress Lovi Poe at award-winning actress Alessandra De Rossi. Ang 'Legacy' ay kuwento ng three beautiful daughters battling one another to win their father's name and estate.

Last but not the least, maaari n'yo na ring balikan ang heart-warming love and life stories ng 'T.G.I.S. (Thank God It's Sabado),' ang youth-oriented drama series nagsibol sa careers nina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Sunshine Dizon, Dingdong Dantes at iba pa.

Viewers can catch the Heart of Asia channel on the GMA Affordabox and on other digital TV boxes on free-to-air broadcast.

Netizens, na-excite sa pagdating ng GMA Affordabox

READ: Customers review the new GMA Affordabox

#GMAAffordaboxNowAvailable trends on Twitter