Showbiz News

Golden Cañedo, inilahad kung bakit siya proud Kapuso

By Cara Emmeline Garcia

Napabilang si The Clash grand champion Golden Cañedo sa mga Kapuso artist na nagdiwang ng ika-70 anibersaryo ng network ngayong taon.

Kaya naman sa kanyang video, inihayag ng singer ang kanyang perspektibo tungkol sa pagiging isang Kapuso simula noong nanalo siya sa singing reality competition.

Wika ni Golden, “'Yung meaning ng pagiging Kapuso para sa akin means hindi lang nakakapag-share ng talent ko at nakakapag-inspire ng other people, pero pati na rin 'yung nakakatulong kami at nagkakaroon ng malasakit sa kapwa.

“Pero kung ako ang papipiliin, ang memorable moment ko sa network is 'yung time na nanalo ako sa The Clash and the time na nag-sign ako ng contract as an official Kapuso artist.

“Doon ko na-feel na I'm so proud of myself and I'm proud to be a Kapuso.”

Pagkatapos ng makuha niya ang gantimpala sa The Clash noong 2018, isa siya sa mga Kapuso singers na kumakanta ng ilang tampok na theme songs sa network tulad ng Magpakailanman, Kara Mia, at Prima Donnas.

Panoorin ang kanyang buong video:

Golden Cañedo celebrates 18th birthday today

Golden Cañedo may mensahe sa mga sasali sa online auditions ng 'The Clash'