Showbiz News

Wowie de Guzman, isa nang full-time Zumba instructor

By Dianara Alegre

Mula sa pagiging '90s matinee idol, isa na ngayong full time Zumba instructor si Wowie de Guzman.

Katulad ng maraming Pilipino ngayon, hindi rin nakaligtas ang kabuhayan niya sa COVID-19 pandemic.

Pero dahil patuloy siyang nag-a-adapt sa new normal at unti-unti na ring niyang ibinabalik ang kanyang mga Zumba sessions online.

Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Wowie kung paano niya sinimulan ang kanyang Facebook at Zoom Zumba sessions.

“Nag-umpisa kami sa Facebook hanggang sa, ayan na nga, sa Zoom nagkaroon na.

"And then, fast forward ngayon, siguro ika-third na naming na mayroon kaming regular class sa aming private Facebook group every other day.

"Kasi karamihan ng regular attendees ng Zumba, talagang hinahanap din nila,” aniya.

Bukod sa balik-trabaho na ulit siya, ibinahagi rin ng actor-dancer na nais din niyang makatulong sa kapwa na makapagbigay aliw sa gitna ng pandemya.

“Lagi silang nagme-message ng mga very inspirational na mga mensahe na 'pag sinabi nila n, 'Natutulungan n'yo kami na kahit papano, nawawala 'yung inip namin,' napakalaking bagay 'yon,” dagdag pa niya.

#Batang90s: Wowie de Guzman dances to '80s hit 'Do You Really Want Me'

Samantala, dahil matagal-tagal ring hindi nakapagtrabaho dahil sa quarantine, ibinahagi ni Wowie na malaking bagay din ang naturang panahon para magkaroon siya ng oras sa kanyang anak na si Alex Rafealle o Raf.

“Nagkaroon kami ng bonding talaga for three months and at the same time, reset button din siya kasi ang dami kong natutunan,” aniya.

Bukod dito, binalikan din umano niya ang mga dating hobbies niya.

“Dahil sa quarantine na 'to nagkaroon ako ng time mag-aral through online.

"Pinag-aralan ko ulit mag-edit. Nag-aral ako mag-edit ng mga tugtog. 'Yung mga hindi ko nagagawa nu'ng time na wala pa 'yung COVID-19,” dagdag pa ni Wowie.

Tungkol naman sa kanyang buhay pag-ibig,natanong si Wowie kung handa na ba itong pumasok muli sa isang relasyon.

Aniya, “Ang priority ko pa rin kasi si Raf. Because isang beses lang magiging one year old, two years, old, three years old, four years old, so tine-treasure ko 'yung moment na clingy pa siya sa 'kin.”

Matatandaang noong 2014 nang pumanaw ang asawa ni Wowie na si Sheryl Ann Reyes, isang buwan matapos niyang isilang ang kanilang anak.

Wowie's showbiz comeback inspired by late wife