Showbiz News

Dingdong Dantes, ipinakilala ang bagong tatag na samahan ng Filipino actors

By Jansen Ramos

Ipinakilala ni Dingdong Dantes ang organisasyong Aktor (League of Filipino Actors) na binubuo ng mga artista sa telebisyon at pelikula. Layon nitong talakayin ang mga isyu na may kinalaman sa industriya at lipunan.

"Bilang mga responsableng mamamayan naming gagampanan ang aming “papel” sa lipunan. We are the industry's co-creators and collaborators. We are the country's storytellers. We will work with you in building a stronger nation -- one act at a time. #AktorPH #Transformative #Participative #Inclusive," sulat niya sa kanyang Instagram account.

Kabilang sa mga tungkulin ng liga ang pakikipagtulungan sa Inter Guild Alliance sa paggawa ng heath and safety guidelines ngayong COVID-19 at pagtutok sa usapin na may kinalaman sa pagbabanta sa artistic freedom and expression sa bansa.

Sa isang statement ng Aktor (League of Filipino Actors), kinondena nila ang pagpapa-prayoridad ng gobyerno sa pagpasa ng Anti-Terror Bill sa kabila ng COVID-19 crisis, ang pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN, at ang film production guidelines ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Bilang lider ng liga, binasa ni Dingdong ang statement sa isang Facebook livestream ng Film Workers Unite kagabi, July 1, na minoderate ni Agot Isidro, kasama ang mga miyembro ng Inter-Guild Alliance.

Sambit ng Kapuso actor, "Bakit ganoon na lamang ang naging kalakaran?

"Ang mga ito ba ay sintomas ng mas malalang sakit na kasabay ng COVID-19?

"Hindi maiiwasang isipin na ang lahat ng mga nangyayari ay may iisang layunin.

"Ang lahat ng mga utos na ito ay may layunin kontrolin ang daloy ng at esensya ng pagku-kuwento: ang mapigilan ng pahayag ng mga tunay na kwento ng bayan.

"Ang lahat ng ito ay lumilikha ng kultura ng takot."

Naging matapang at sentimental ang mga pahayag ni Dingdong sa nasabing livestream.

Aniya, binuo ang organisasyon para isulong ang karapatan ng bawat Pilipino na magkaroon ng boses sa mga usaping panlipunan.

Bahagi niya, "Maraming bumabatikos sa aming mga aktor kung bakit kami nakikisawsaw tungol sa usaping panlipunan, politikal.

"Ngunit, may karapatan man kayong bumatikos sa 'min, nais naming ipaalala na ang proteksyong sinisiguro ng Saligang Batas sa malayang pagsasalita at pamamahayag ay para sa lahat ng mamamayan ng republikang ito.

"Ang karapatan ay hindi lamang konsepto o kaisipan, ito ay dapat na buhayin sa diwa ng mga Pilpino.


"Kasi parang itong bisig na lalong tumitibay kapag ginagamit, nanghihina kapag hindi kumikilos.

"Ibalik natin ang demokratikong proseso ng pakikialam, ng pakikibaka, ng malayang pagpapahayag ng kuro-kuro, mga hinaing, mga pangarap, at puri sa bawat sulok ng lipunan, sa bawa tahanan, sa ating lugar ng mga paghahanap-buhay, sa mga gusali ng ating mga pamahalaan."

Pagtatapos ni Dingdong, "The democracy must be a continuing dialogue between the citizens and the government. And we will stand by our right to be heard, especially because we hold the good of our industry and our nation, in our heart."

Bukod kay Dingdong, ilan lamang sa mga miyembro ng Aktor (League of Filipino Actors) ay sina Agot Isidro, Angelica Panganiban, Carlo Gonzalez, Cherry Pie Picache, Gabby Eigenmann, Gabbi Garcia, Glaiza De Castro, Iza Cazado, Janine Gutierrez, Jasmine Curtis-Smith, Lauren Young, Richard Gutierrez, at Mikoy Morales.

Dingdong Dantes on being at home during ECQ: "Something that I haven't done in 20 years"

Dingdong Dantes, hopeful sa pagbabalik ng 'DOTS Ph' sa telebisyon

Dingdong Dantes teases the much-awaited launch of Dingdong delivery app!