Showbiz News

Andrea Torres, bakit humanga kay Lauren Young?

By Felix Ilaya

Ngayong Sabado, July 4, mapapanood ang mga outspoken actresses na sina Lauren Young, Janine Gutierrez, Andrea Torres, Cai Cortez, Thia Thomalla, Mikee Quintos, at Athena Madrid sa "How Do You Feel: Usapang Artista."


Dito, pag-uusapan nila ang topic of womanhood at kung paano nila ito ipino-portray sa kani-kanilang roles.

Nagpaunlak sina Andrea Torres, Thia Thomalla, at si Mikoy Morales (one of the producers of "How Do You Feel") ng panayam sa press tungkol sa upcoming episode ng kanilang show.

Isa sa mga tinanong sa kanila ng press ay kung kanino sa mga kasama sa panel sila pinaka na-impress o na-sorpresa sa mga sagot.

Ayon kay Andrea, bumilib daw siya sa mga points ni Lauren Young at mas nakilala pa niya ang aktres dahil sa "How Do You Feel: Usapang Artista."

Aniya, "Sabi ko nga after 'eh 'I love you Lauren!' Sobrang open niya doon sa discussion na 'yon and andami kong natutunan sa kanya, andami kong nakuha sa kaniya. And I guess 'di ko pa siya nakaka-work before so first time ko makita siya magsalita ng ganoon. Nakakatuwa."

Nagustuhan naman daw ni Thia ang mga kuwento ng co-panelist niyang si Mikee Quintos at dapat daw nila itong abangan.

Agree naman sina Andrea, Thia, at Mikoy na eye-opening daw ang kanilang diskusyon at talagang kapupulutan ng aral ang upcoming episode ng "How Do You Feel: Usapang Artista."

Abangan sina Andrea, Thia, Lauren, Mikee, at iba pang outspoken actresses sa "How Do You Feel: Usapang Artista" this Saturday, July 8, hosted by Ana Feleo and Chynna Ortaleza