Showbiz News

Ai-ai delas Alas, tinawanan ang balitang patay na siya

Mabilis ang naging pagtugon ng Comedy Queen na si Ai-ai delas Alas sa kumakalat na balitang pumanaw na siya.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, pinabulaanan ni Ai-ai ang balita ng kanyang pagkamatay.

Sulat niya: "Ito po ay fake news... AKO AY BUHAY... may kasabihan 'pag namamatay ka daw sa balita or 'pag nanaginip kang patay ka na long life lalo..."

Seryosong usapin man, nagawa pa ring magbiro ng aktres: "Buti na lang maganda 'ko sa picture kung hindi magagalit ako haha."

Aiai Delas Alas on being a Kapuso again: "Babalik at babalik ka sa tahanan mo"

Willie Revillame, bakit hanga kay Aiai delas Alas sa pagpirma niya sa GMA Artist Center?