Showbiz News

Manood ng 'Wish Ko Lang' at manalo ng gadgets at GMA Affrodabox!

By Racquel Quieta

Wish mo ba magkaroon ng bagong laptop, cellphone, o 'di kaya'y GMA Affordabox? Puwes, tutok na sa bagong Wish Ko Lang tuwing Sabado, alas-kwatro ng hapon!

Saluhin Ang Iyong Hiling contest ng Wish Ko Lang / Source: @WishKoLangGMA (FB)

Sa pagbabalik ng Wish Ko Lang sa telebisyon, tutuparin nito ang simpleng wish ng mga maswerteng viewer na nais magkaroon ng bagong gadgets at GMA Affordabox, sa kanilang contest na "Saluhin Ang Iyong Hiling!"

Sa contest na ito, mamimigay ang Wish Ko Lang ng 17 na bagong cellphones, 17 na bagong laptops, at 85 GMA Affordabox units, simula July 11 hanggang October 31, 2020.

Tuwing Sabado, pitong Facebook followers ang maswerteng mananalo ng papremyo:

1. 1 follower - 1 brand new cellphone

2. 1 follower- 1 brand new laptop

3. 5 followers - 1 GMA Affordabox unit each

Manalo ng GMA Affordabox sa 'Saluhin Ang Iyong Hiling!'

Ang 'Saluhin Ang Iyong Hiling!'contest ay bukas para sa mga sumusunod:

1. Followers ng Wish Ko Lang official Facebook page

2. Filipino citizen na naninirahan sa Pilipinas

3. Mga edad 18 years old pataas

Para manalo, kailangan mo lang manood ng Wish Ko Lang at abangan ang ibibigay na tanong ni Ms. Vicky Morales.

Pagkatapos malaman ang tanong, pumunta sa Wish Ko Lang official Facebook page at hanapin ang "Saluhin Ang Iyong Hiling!" Facebook post.

I-comment ang iyong sagot sa naturang Facebook post, kasama ng screenshot ng kamay na sumasalo ng premyo.

I-click ang link sa Facebook post na ito na siyang magdadala sa'yo sa microsite.

Sa microsite, kailangang mag-register at ibigay ang iyong complete contact details. Kailangan ding i-post muli ang iyong sagot sa microsite dahil ito ang magsisilbing official entry mo sa contest.

Pagkatapos magpasa ng entry sa microsite, makakatanggap ka ng e-mail na magkukumpirmang natanggap na ng Wish Ko Lang ang iyong entry.

Dapat ipadala ang iyong entry bago ang 5:30 p.m. ng Sabado, dahil kapag lumampas sa oras na ito ay ituturing nang invalid ang entry.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa "Saluhin Ang Iyong Hiling!" promo ng Wish Ko Lang, pumunta lamang sa kanilang official Facebook page.

Kaya kung wish mo manalo ng bagong cellphone, laptop, o GMA Affordabox, nood na tuwing Sabado ng 'bagong Wish Ko Lang, tuwing alas-kwatro ng hapon sa GMA-7.

RELATED CONTENT:

Spread good vibes and hope this pandemic with 'Wish Ko Lang' Viber stickers

Magbabalik ang isang Kapuso program para tuparin ang iyong hiling!