Showbiz News

Boobay, nanawagan ng panalangin para sa komedyanteng si Kim Idol

By Bianca Geli

Humihingi ng panalangin ang komedyanteng si Boobay para sa kapwa niya Kapuso comedian na si Kim Idol, Michael Taniera Argente sa tunay na buhay, na nasa ospital pa rin matapos pumutok ang ugat sa ulo.

Kuwento ni Boobay sa online interview para sa All-Out Sundays, "Right now, hindi pa rin kami masyadong binibigyan ng information kung ano 'yung update sa condition niya though sa ngayon bedridden pa rin siya. 'Yung nangyari sa kaniya parang pangalawang beses niya na 'yan e. Praying hard kami na sana bumalik na siya sa normal."

Comedian Kim Idol in critical condition

Matatandaang na-ospital din noong 2015 si Kim sanhi ng brain arteriovenous malformation o brain AVM.

Isang host and stand-up comedian si Kim na naging bahagi ng ilang Kapuso shows tulad ng Meant to Be at Full House Tonight.

Teri Onor, emosyonal na nanawagan ng dasal para kay Kim Idol