Showbiz News

Former 'Down To Mars' member Nasser, suki sa theme songs ng GMA Korean at Thai series

By Aedrianne Acar

Isa ba kayo sa gabi-gabing tumutok sa mga nakakakilig na Heart of Asia series na Princess Hours at Are You Human?

Siguradong hindi kumpleto ang panonood n'yo kapag hindi napapakinggan ang “Your Love” na theme song ng Lakorn series na Princess Hours at "Chasing Cars" ng K-drama na Are You Human.

Kinanta ito ang mga ito ng former member ng boy group na Down To Mars na si Nasser, na kasalukuyang based sa Singapore.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Nasser via video conference, hindi niya naitago ang labis na saya na mabigyan ng sariling timpla ang "Your Love" at "Chasing Cars."

Wika niya, “Masarap sa pakiramdam 'yung pangarap ko 'di ba, parang ang dami-daming better na singers sa akin, ang dami-daming mas magaling.

“Ang dami-daming song na puwedeng gawing theme song, tapos ako 'yung napipili nila, and 'yun pa lang nakakataba na ng puso.”

Tila validation din daw para sa kanya na mapili na kumanta ng theme songs ng mga GMA Heart of Asia series.

“Tapos maririnig mo 'yung boses mo and then iko-congratulate ka ng mga big bosses, iko-congratulate ka ng mga tao.

"Nakakataba ng puso 'yun and nakaka-validate sa sarili ko 'yung pagiging passionate ko sa pagkanta, sobrang saya.”

Panoorin ang performance ni Nasser sa GMA Playlist kung saan kinanta niya ang '"our Love" at "Chasing Cars" sa video below.