
Kinumpirma ni Jennylyn Mercado na siya ang mismo ang nagha-handle ng kanyang Twitter account matapos makipag-interact sa kanyang fans.
Mahinahong in-address ng Ultimate Star ang akusasyong may admin ang kanyang account, na ginagamit niya para magbahagi ng kanyang mga opinyon tungkol sa kasalukuyang political at social issues sa bansa.
Isa sa mga masaklap na nangyayari ngayong pandemya, ay ang mismong Pilipino naging kalaban ang kapwa Pilipino.
-- jennylyn mercado (@MercadoJen) July 17, 2020
Hindi ba ang virus ang kalaban?
Nakalimutan na ba ng may mga kapangyarihan rumespeto at pahalagahan ang buhay ng mga tao?#StopLumadKillings https://t.co/V7UysdulTg
-- jennylyn mercado (@MercadoJen) July 19, 2020
Halimbawa na lang ang tweet ng isang netizen na may handle na imanyuwel. Ayon dito, may trust issues siya sa Twitter account ni Jennylyn sanhi ng pag-disown ni Ethel Booba sa kanyang Twitter account.
Tinawag ng sexy comedienne itong "fake." Nag-trigger ito ng pagkalito sa Twitterverse dahil dati nang prinomote ni Ethel ang nasabing account.
"Nagda-doubt pa rin ako sa twitter ni jennylyn dahil kay ethel booba," tweet ni imanyuwel.
Sinagot ito ni Jennylyn sa pamamagitan ng pag-post ng larawan kung saan makikitang masaya silang kumakain ng hapunan ng kanyang anak na si Alex Jazz, at boyfriend na si Dennis Trillo.
Oo nga. Ako nga.
-- jennylyn mercado (@MercadoJen) July 19, 2020
Mga bessie ang kukulit ninyo! Kurutin ko kayo eh 🤣 https://t.co/NVrsrcRigP pic.twitter.com/B7wpXmt8B8
"Oo nga. Ako nga.
"Mga bessie ang kukulit ninyo! Kurutin ko kayo eh," ika niya, kalakip ng isang laughing emoji.
Sa sumunod na tweet, ilang minuto lamang ang pagitan, muling nag-post si Jennylyn ng kanilang masayang larawan.
Bulaga!
-- jennylyn mercado (@MercadoJen) July 19, 2020
Kain na tayo ng dinner bessies.
Sana masarap ulam niyo palagi ha! 🥰 pic.twitter.com/GM1lbQmBtY
Sambit niya, "Bulaga!
"Kain na tayo ng dinner bessies.
"Sana masarap ulam niyo palagi ha!"
Bukod pa rito, nag-tweet din si Jennylyn ng isang larawan kung saan kasama niya ang isa sa labindalawa niyang alagang pusa.
Goodnight bessies.
-- jennylyn mercado (@MercadoJen) July 18, 2020
Bukas ulit ❤️ pic.twitter.com/crR0ZAdRe3
Samantala, trending ang salitang "bessie" na term of endearment ni Jennylyn sa kanyang fans online dahil kasalukuyang hot topic ang kanyang mga tweet.
Mga bessie grabe kayo!
-- jennylyn mercado (@MercadoJen) July 17, 2020
Kayo talaga yung may Kapangyarihan ng Araw, na Taglay ay liwanag, at Kambal na lakas.
Salamat 🤣
Pero on a serious note,
We are not powerless until we are silenced. Our voices must be heard. Speak up for those who can't.
Night bessies! ❤️ https://t.co/Kv2GgKfBJr