Paolo Contis, ikinagulat ang feedback sa mga pelikula niya sa Netflix
Kita ang saya kay Paolo Contis sa pagharap niya sa bloggers conference nitong July 21 para ibahagi ang kuwento ng Through Night and Day at Ang Pangarap Kong Holdap.
Ang Through Night and Day at Ang Pangarap Kong Holdap ay ang dalawang pelikula ni Paolo na nasa Top 10 list ng Netflix.
Kuwento ni Paolo, alam na umano niya na nakapasok sa Netflix ang kanilang na pelikula dahil nakausap niya ang kanyang producer tungkol dito.
"I think about two months ago nakuwento na sa akin nung kaibigan ko na producer namin na si Lucky. Nakuwento niya na, in-inform niya kami na nabili 'yung movie na ng Netflix."
Inamin rin ni Paolo na nangulit siya na sana ay maipalabas ang mga pelikula ng June para mas marami umanong makapanood.
"We're expecting it to come out ng July. Noong June nangungulit na nga ako sa kanya, sabi ko sabihin mo sa Netflix ilabas na ng June kasi malapit na 'yung quarantine period.
"Siyempre gusto natin somehow habang nasa bahay 'yung mga tao mas may time e. Noong sinabi niya nga na July sabi ko okay na rin."
Taong 2018 nang ipinalabas sa mga sinehan ang Through Night and Day. At noon pa man confident na umano si Paolo sa quality ng kanilang pelikula.
"Confident naman kami na maganda 'yung ginawa namin. 2018 ipinalabas siya, hindi nga lang kami pinalad sa box office pero somehow may mga nakapanood naman at maganda yung feedback. So somehow alam namin na magiging maganda yung feedback."
Dagdag niya, ang ikinagulat niya ay ang lakas ng feedback ng pelikula ngayon dahil sa dami nang nagpapahayag nito sa social media.
"'Yung lakas ng feedback 'yung hindi namin in-expect. It really showed na halos walang nakaalam nung pelikula noong 2018 kasi 'yung mga tao nagulat e," natatawang kuwento ni Paolo.
Isa pang inamin ng aktor ay nakaramdam siya ng lungkot dahil hindi ito natangkilik two years ago.
"Happy kasi if you make a movie, the only goal is for people to see it 'di ba? Somehow malungkot 'yan kasi nangyari two years ago na hindi siya masyadong natangkilik.
"Hindi siya masyadong napansin kasi marami ring pelikulang kasabay."
Pakiramdam ni Paolo, ang success na nakuha ng kanilang pelikula sa Netflix ay dahil sa unexpected nitong pagganap sa Through Night and Day.
"Nagulat kami sa Pangarap Kong Holdap. Nauna 'yung Holdap e. Nag-number one yung Holdap tapos feeling ko 'yung hindi nakakaalam ng Through Night and Day, akala siguro nila comedy kasi ako ulit 'di ba, tapos may Alex ka 'di ba?
"Tapos siguro nagulat sila. Feeling ko kaya mas tumagal na number 1 ang Through Night and Day is 'yung gulat factor na nagda-drama pala ako more than sa Holdap."
Pagtatapos ni Paolo, masayang masaya siya sa naging resulta nito nang maipalabas sa Netflix.
"I'm happy, very happy. Nagulat ako kasi di ko siya in-expect na maging ganon."
Paolo Contis shares experiences in Iceland while filming 'Through Night & Day'
Paolo Contis and DJ Loonyo's TikTok duet of "Through Night and Day" song