Showbiz News

Paolo Contis thanks netizens for acknowledging his drama acting skills

By Dianara Alegre

Nagpapasalamat si Kapuso actor-comedian Paolo Contis sa mainit na pagtangkilik ng publiko sa kanyang acting skills mapa comedy man o heavy drama.

Dahil ito sa ilang araw na pamamayagpag ng mga pelikula niyang “Ang Pangarap Kong Holdap” at “Through Night & Day” sa streaming site na Netflix.

Maraming netizens ang nakapansin sa husay ng aktor sa “Through Night & Day” na pinagbibidahan nila ng aktres na si Alessandra de Rossi. Dito ipinakita ni Paolo ang galing niya pagdating sa heavy drama.

“This time ako 'yung soft kahit papaano, soft spoken. Ako 'yung umiiyak 'ika nga. So, siyempre, hindi sanay 'yung tao na makita akong ganu'n. Pwede pala, sabi nila,” aniya.

“There are a lot of comedians na talagang comedy lang talaga 'yung concentration nila. Mayroon naman na puro drama. I'm very happy na isa ako sa konting character actors na nagagawa both effectively, I hope,” dagdag pa niya.

Ibinahagi rin ni Paolo na natutuwa umano siyang natututunan nang tangkilikin ng mga Pilipino ang mga pelikulang sariling atin.

“It's nice na ang Pilipino choosy na rin talaga when it comes to the quality of what they're watching and happy naman ako na pumasa kami do'n,” dagdag pa niya.

Paolo Contis at Alessandra de Rossi, nakatanggap ng positive reviews sa 'Through Night and Day'

Nagsimulang mapanood sa Netflix ang “Through Night & Day” nitong July 9 habang ini-release ang “Ang Pangarap Kong Holdap” sa noong July 4.

Mula nang ipalabas ang mga mga pelikula ay hindi pa nalaglag ang mga ito sa top trending streams ng Netflix, bagay na nagpapatunay na patok sa publiko ang kanyang mga pelikula na kapwa unang ipinalabas sa sinehan noong 2018.

'Through Night and Day' and 'Ang Pangarap Kong Holdap' remain on Netflix PH's Top 10 list

Alessandra de Rossi thanks fans for supporting 'Through Night and Day' after Netflix premiere