Showbiz News

Heart Evangelista, nasaktan ba nang laitin ng isang netizen?

By Aedrianne Acar

Mas palaban na ngayon ang Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista, lalo na pagdating sa kanyang mga basher na walang pakundangan kung manlait sa kanya online.

Naging topic kasi sa Instagram ang naging komento ng basher ni Heart sa post niya nitong Sabado, July 25, kung saan ipinakita niya ang stylish heeled sandals na terno sa latest artwork na ginawa niya.

Kasalukuyan nasa Sorosogon si Heart na home town ng kanyang asawa na si Francis “Chiz” Escudero na gobernador din ng probinsya.

Mapapansin sa comments section ng naturang post na isang basher ang nanlait sa mga kuko sa paa ni Heart.

May tugon din kaagad ang Kapuso actress sa netizen at sinabing, “Ok lang keysa ugali” na may kasunod pang heart at kiss emoji.

Hindi naman nagustuhan ng fans ni Heart ang patutsada sa kanya ng basher.

Matatandaan na noong Abril, nag-react din si Heart Evangelista sa komento ng isang netizen na kaya daw panay post siya ng mga donation niya ay para i-boost ang kanyang ego.

Heto ang pahayag noon ng tinaguriang Queen of Creative Collaborations.

“My donations are not out for people to see. These are donations from companies and I post to show them for transparency.

“Now go on to your real account and do something good. Maybe pray… in a room where no one will see you but God.”