Showbiz News

Family Time: Daddy, miyembro ka na ba ng SAKLAPP?

By Aedrianne Acar

Mga daddies out there, ilang beses na ba kayo naging alay tuwing schedule ng pagpunta sa palengke o 'di kaya sa groceries?

At naranasan n'yo na ba na mapagalitan o mainis si misis kapag nakita na kulang-kulang o mali ang mga pinamili n'yo?

Well, tutulungan kayo ni Family Time host Drew Arellano para mas maging hassle-free ang shopping experience sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nakapanayam sa Family Time ang founder ng Samahan ng mga Asawang Kailangan Lumabas Papuntang Palengke o S.A.K.L.A.P.P. for short na si Papa Danny Fernandez.

Ibinahagi niya sa interview na noong una, “katuwaan lang” nang gawin niya ang SAKLAPP.

Kuwento niya, “Katuwaan lang, pero gusto din namin ma-promote na kailangan din, ngayong pandemic ito na 'yung new normal.

“Magtulong-tulong 'yung mga lalaki or mga asawa na gusto magkaroon ng tips kung paano mamelengke.

“Dun nagkakaroon ng sharing of ideas [na] naging support system 'yung grupo kaya naging masaya 'yung pagtatayo nitong S.A.K.L.A.P.P..”

Screenshot taken from Family Time episode

Sa mga haligi ng tahanan na laging sablay ang pamilili tuwing mamalengke o pupunta sa grocery, may tips si Papa Danny at una na diyan ay dapat may maayos kayong listahan.

Payo niya, “Maging maayos 'yung listahan nila, hatiin nila 'yung mga bibilhin nila sa food items at saka non-food items para mas mabilis 'yung ikot nila sa palengke at sa groceries.”

Hindi rin dapat kayo mag-alangan na magtanong kung may hinahanap kayong produkto. Aniya, “Kailangan din na magtanong sila pag may hindi makita or may ibang brand na hinahanap sila or baka may gusto silang bagong stock.”

Sabi rin ni Papa Danny sa Family Time na ugaliing magdala ng sariling grocery or recyclable bag tuwing mamimili at dapat maging budget-conscious din kayo mga paps.

“Para hindi ka na rin bumili ng separate pa or hindi ka mahirapan sa pagbubuhat. [Maging] budget-conscious tingnan mo rin kung ano talaga 'yung necessity lang sa araw na 'yun.”

Making it work under the new normal

Family Time: Explaining COVID-19 to your kids