Showbiz News

Jak Roberto, ibinahagi ang work-from-home setup nila ni Sanya Lopez

By Marah Ruiz

Work from home din ngayong ang magkapatid at kapwa Kapuso stars na sina Jak Roberto at Sanya Lopez.

Dahil magkasama sila sa bahay, kailangan nilang paghatian ang espasyong gagamitin nila para sa kanikanilang mga proyekto.

Doble effort daw para kay Jak ang tinaguriang "new normal" pero kaya naman.

"Karamihan ng mga [shows] like AOS, All Out Sundays, nagla-live kami via Zoom lang din.

"'Yung mga meetings namin before mag-live dito lang din sa Zoom.

"Sa mga guesting like [Mars Pa More], kami na 'yung kumukuha noong mga shot ng pagkain, halimbawa, nagpe-prepare kami kasi 'yun 'yung segment. 'Yung interview, meeting lang ulit sa Zoom," kuwento ni Jak sa isang online interview kasama ang ilang piling miyembro ng media, kabilang ang GMANetwork.com.

Nag-invest din saw si Jak sa ilang gamit na maaring makatulong sa kanila.

"Mas more on sariling sikap. Kami 'yung nag-iilaw. Kami 'yung kumukuha sa camera.

"Mahalaga 'yung mga ring light sa amin ngayon, 'yung mga tripods saka 'yung mga chroma.

"Umorder pa lang ako ng chroma kaya wala pa, pero ganoon 'yung mangyayari sa new normal taping namin," aniya.

Sinisikap naman daw nila ni Sanya na bigyan ang isa't isa ng sariling lugar para magtrabaho.

"Magla-lunch lang, magwo-workout 'tapos makikipaglaro sa dogs. 'Tapos aakyat ulit sa kwarto.

"Minsan, kapag may mga meetings din saka kailangan i-post na product, mga buong araw siya doon sa baba, sa lamesa.

"Minsan sinsabayan ko siya mag-workout. Minsan pagka wala akong magawa, inaasar ko," kuwento ni Jak.

Nakapag-taping na pareho sina Jak at Sanya ngayong quarantine.

Lumabas si Sanya sa bagong episode ng Maynila, habang tampok naman si Jak sa fresh episode ng #MPK o Magpakailanman.

Pero bukod dito, pinipilit daw talaga nilang manatili sa bahay habang marami pa rin ang kaso ng COVID-19.

"'Yun lang usually pinagkakalibangan namin dito sa bahay. Ina-avoid talaga namin lumabas kahit na puwwde. Mayroon lang talagang isang taong lumabas dito sa bahay," ani Jak.

Samantala, magkasamang lumabas ang magkapatid sa bagong online dating game ng E-Date Mo Si Idol.

Si Jak ang nagsilbing host at chaperone at hinanahapan niya ng makaka-online date ang kapatid na si Sanya.