Showbiz News

Luis Hontiveros, enjoy sa unang Kapuso acting gig sa 'Wish Ko Lang'

By Dianara Alegre

Tampok ang actor-model na si Luis Hontiveros, sa kanyang first-ever Kapuso project para sa dramatization ng Wish Ko Lang episode na "Inggit" na mapapanood ngayong Sabado, August 8.

Kasama ng bagong talent ng GMA Artist Center sa naturang episode sina Katrina Halili, Kim Rodriguez, at Elijah Alejo.

Luis Hontiveros / Source: luishontiveros7 (IG)

Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Luis na naging maayos ang pagsabak niya unang acting gig niya para sa Kapuso Network.

Dagdag pa niya, sumunod ang produksyon ng show, pati na rin ang cast members sa safety protocols para makaiwas sa COVID-19.

“Everyone is practicing social distancing, naka-mask. Hindi na tulad ng dati na laging magkaka-tsika 'yung bawat isa.

“Masaya pa rin naman 'yung vibe sa set lalo na at very welcoming ang cast na nakasama ko. Si Ms. Katrina, si Kim Rodriguez, sina Direk, 'yung mga crew very welcoming,” aniya.

Sa "Inggit" episode ng Wish Ko Lang, ang inang si Teresa [Katrina] ay magkakaroon ng misteryosong sakit matapos nitong ipagtanggol ang kanyang anak na si Marissa mula sa kanyang katrabaho na si Cristel [Kim].

Magmamanas ang katawan ni Teresa hanggang sa maging mala-higante na ang kanyang hita at dumikit na ang kanyang ulo sa kanyang leeg.

Sa panulat ni Erwin Caezar Bravo at sa direksyon ni Rommel, mapapanood ang "Inggit" ngayong Sabado sa Wish Ko Lang, alas-kwatro ng hapon sa GMA-7.