Showbiz News

'Descendants of the Sun PH' male stars, mapapanood sa Kapuso ArtisTambayan

By Jansen Ramos

Tuloy pa rin ang kwentuhan at pagbibigay-saya ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) stars sa kabila ng pandemya.

Abangan sina Andre Paras, Jon Lucas, Lucho Ayala, Paul Salas, Prince Clemente, at Rocco Nacino live this Thursday, August 13, 5 p.m. sa 'Kapuso ArtisTambayan.'

Mapapanood ito sa GMA Network Facebook and YouTube pages, at iho-host ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit actor na si Yasser Marta.

Be sure to tune in at maki-bonding sa inyong paboritong DOTS Ph idols online dahil mamimigay sila ng espesyal na regalo mula sa isang lucky winner.

Ito na rin ang pagkakataon ng DOTS Ph cast na magpasalamat sa kanilang mga taga-suporta matapos makuha ng Kapuso series ang una nitong international award.

Noong August 10 ay inanunsyo ng GMA Network na napili ang programa bilang isa sa Most Popular Foreign Drama of the Year ng 15th Seoul International Drama Awards.

Opisyal na igagawad sa DOTS Ph ang parangal sa September 10.