Showbiz News

Betong Sumaya, nagpa-contest sa TikTok para sa kanyang bagong single

By Marah Ruiz

Sa isang panibagong vlog, ibinahagi ni Kapuso comedian Betong Sumaya kung paano siya nagsimulang gumamit ng popular na short-form video app na TikTok.

Noon daw, ayaw pa niyang gumamit nito sa pag-aakalang hindi niya ito ma-enjoy. Pero ngayon, isa na itong bahagi ng kanyang daily routine.

"Isa ba kayo sa mga nagsabi noon na 'Hindi ako magti-TikTok?' Kinain ko 'yung sinabi ko. Ito na! Masasabi ko na isa na ko sa mga TikTok addict," pahayag ni Betong.

"Hindi pa naman talaga ganoon ka adik pero talagang parte na ng sistema ko ang TikTok," dagdag pa niya.

Iba't iba ang mga video na inilalabas ni Betong sa TikTok tulad ng pagsasayaw sa mga dance craze tulad ng "Marikit" o pagkikipag-duet sa iba pang sikat na TikTok users tulad ni Rico Bautista na kilala sa mga skit niyang "Walang Ganoon Mars."

Pero ang pinakapatok na videos ni Betong ay ang "laglag moments" mula sa defunct show na All Star Videoke kung saan host siya at si Solenn Heussaff.

Umabot pa nga 1.8 millions views ang video niya sa kaibigan na si Maey Bautista nang mahulog ito sa foam pit sa palabas.

Dahil sa dami ng pwedeng gawin sa app, naisip ni Betong na dito gawin ang pa-contest niya sa para sa kanyang baong kantang "Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko."

Kailangan lang gumawa ng TikTok video na nagli-lipsync sa kanta at gamitin ang hashtag na #NMMAMKTikTokContest.

Ikinatuwa naman ni Betong ang dami at kalidad ng mga video entries.

"Grabe, ang titindi ng mga nagpadala. Kumbaga pinaka ma-drama, pinaka creative, pinaka nakatutuwa. Iba't ibang concept. Medyo nahirapan tayo pero siympre kailangan na nating pumili ng top 10. I am so proud to present to you ang top 10 ng ating #NMMAMKTikTokContest," aniya.

Nangako naman si Betong na makakarating ang mga premyo sa mga sumali pero medyo matatagalan lang dahil sa MECQ o modified enhanced community quarantine na ipinataw sa Metro Manila.

Panoorin ang top 10 sa #NMMAMKTikTokContest ni Betong dito:




Sa isang previous video ni Betong, sinubukan niyang gupitan ang kanyang sarili.

Si Betong din ang host ng Quiz Beh, isang online quiz show kung saan nagtatagisan sa mga simpleng laro ang mga Kapuso stars.