Showbiz News

Gardo Versoza at Tina Paner, tampok sa bagong episode ng 'Wish Ko Lang'

By Dianara Alegre

Matitinding eksena ang handog ng mga batikang aktor na sina Gardo Versoza at Tina Paner kasama si Anjo Damiles para sa bagong episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, August 15.

Tungkol sa pagtataksil ang bagong episode na itatampok sa Wish Ko Lang, kung saan gaganap bilang si Elena si Tina, na asawa ni karakter ni Gardo Versoza na si Edgar.

Ang karakter naman ni Anjo na Brix ang magiging karelasyon ni Elena.

Mabibigat ang mga tagpo sa naturang episode ngunit mahusay nila itong naitaid kahit na naninibago pa rin sila sa new normal production ng show bilang pag-iingat sa COVID-19.

Sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi ng mga aktor na ligtas ang naging magaan at ligtas ang naging takbo ng kanilang shoot sa kabila ng mariing pagsunod sa health protocols.

Ayon kay Tina, “Pagkadating na pagkadating mo sa set, kukunan ka na agad ng temperature. Tapos i-spray-an ka na ng alcohol, and then siyempre lagi kang naka-mask at face shield.

Inamin naman ni Gardo na malaking adjustment ang ginawa ng team para rito.

“Malaki 'yung adjustment. Then du'n sa mga dramatic moments gaya nu'ng mayroon kaming medyo intense ng mga anak ko, so, 'pag bigla mo silang niyakap, biglang may bubulong sa likod mo, 'Social distancing po,'” aniya.

Ligtas naman daw ang naging setting ng programa, ayon kay Anjo.

''Yung lugar naman po na napili is very also. Walang masyadong tao, alam nating walang COVID-19 cases du'n. Maganda ang nangyari sa aming taping at sobrang successful siya nu'ng araw na 'yon,” lahad niya.


Mapapanood ang bagong episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, 4:00 ng hapon.