Showbiz News

Antonio Aquitania, ikinuwento ang loyalty sa 'Bubble Gang' at sa GMA Network

By Maine Aquino

Si Antonio Aquitania ay isa sa mga Bubble Gang cast na subok ang loyalty sa programa at sa GMA Network.

Isa siya sa original cast simula ng umere ang programa kaya naman itinanong sa kanya ng Just In host at kaibigan niyang si Paolo Contis kung ano ang dahilan kung bakit niya piniling manatili dito.

Saad ni Antonio, "'Yung loyalty Pao nandoon e. 'Yung nagsimula ako doon sinabi ko kailangan hindi ako aalis. And gusto ko siyang matapos siya na, matapos 'yung show, hindi 'yung nagkaroon ka ng opportunity sa iba."


Inamin naman ni Antonio na may mga offer sa kanya outside of GMA Network.

"Well may mga chance naman, pero alam mo 'yun mahal mo e. Mahal mo 'yung show."

Dagdag pa niya hindi naman umano siya pinabayaan ng GMA.

"'Yung GMA naman hindi naman ako pinabayaan, alam mo 'yun. Meron laging soap, meron silang ibang ibinibigay. 'Yun na 'yung pinakabasehan ko na bakit ako aalis or 'di ba kahit nagkaroon ng offer sa iba. Stay ka nalang kasi mahalin mo kung ano meron diyan."

Biro pa niya ay baka mapaaway naman siya 'pag lumipat siya.

"Baka makapagtrabaho ako sa iba hindi ko rin magustuhan, hindi rin nila magustuhan ugali ko e 'di baka magsusuntukan kami doon. Ang hirap e! 'Yun yung ayaw ko e makikipagtrabaho sa iba e baka mapaaway lang ako huwag na lang."

Saad naman ni Paolo, si Antonio ang isa sa pinakamabait na cast member ng Bubble Gang.

"Isa sa pinakamabait na cast member ng Bubble Gang, masasabi nating si Antonio talaga. Alam na nating lahat 'yun."

Just In: P.A.R.D, makikipagbukingan at makikigulo LIVE! | Full Episode 13

Just In: Kuwento sa likod ng grupong "P.A.R.D", alamin! | Episode 13