Showbiz News

Lolit Solis, pinatotohanang walang ghost writer si Jennylyn Mercado

By Dianara Alegre

Muling binuksan ng beteranong showbiz columnist na si Lolit Solis ang usapin tungkol sa mga agaw-atensyong post ng aktres na si Jennylyn Mercado sa Twitter.

Sa post niya sa Instagram nitong Huwebes, August 13, kinuwestiyon niya ang mga nagsasabing may ghost writer si Jennylyn para sa bawat tweet niya sa kanyang Twitter account.

Source: mercadojenny (IG)

“Bakit ayaw pa yata matapos iyon controversy ng mga tweets ni Jennylyn Mercado, Salve?

“Tagal na noon bakit nagli-linger pa rin? Bakit ayaw maniwala na iyong matatapang na salita sa tweets [ay] galing kay Jennylyn at naniniwala sila [na] mayroong ghost writer na involved?

“Siguro naman 'pag ganoon na kaseryoso, dapat lang panindigan mo na [sa] iyo galing ang salita at hindi gawa ng iba.

“Bigla na lang kasi na heto, parang relevant na relevant at vigilant si Jennylyn, samantalang isa siyang very sweet young innocent lady, at ngayon parang aktibista na lahat ng issue kasali. Bongga.

“Hanggang ngayon hayan siya sa news, bongga 'di ba? Newsworthy kaya siguro type niya sumali. Ok lang, basta tanggap din niya ang consequence, nandiyan naman si Vinia na ipa-fight siya kaya ok lang. Go Jennylyn, tweet pa,” aniya.

Nitong mga nakalipas na buwan ay nag-trending si Jennylyn dahil sa kanyang mga tweet patungkol sa iba't ibang isyung kinakaharap ng bansa.

Dahil dito, hinikayat niya rin ang netizens na tawagin siyang “Bessie” sa tuwing makikipag-interact ang mga ito sa kanya.

Jennylyn Mercado enjoys learning the Twitter language