Showbiz News

Anjo Damiles, nagkakagusto ba sa older women?

By Racquel Quieta

Kontrobersyal ang magiging role ng Kapuso actor na si Anjo Damiles sa episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado na pinamagatang "Single Dad," sa panulat ni Evie Macapugay at sa direksyon ni Rommel Penesa.

@anjodamiles10 (IG)

Kapuso actor Anjo Damiles gaganap bilang karelasyon ng pamilyadong babae sa 'Wish Ko Lang'

Gagampanan kasi ni Anjo ang role ng isang binata na magiging karelasyon ng isang babaeng may asawa na at buntis pa, na siya namang gagampanan ni Kapuso actress Tina Paner.

Kasama rin niya sa dramatization ng Wish Ko Lang ang batikang aktor na si Gardo Versoza na siyang gaganap bilang Edgar, ang asawa ng karakter ni Tina.

Nang tanungin kung nagkaroon na ba ng pagkakataon sa buhay ni Anjo na nagkagusto siya sa isang babaeng taken na -lalo na yung pamilyado na--mariing sinabi nito na hindi pa nangyari sa kanya 'yon.

“Naku, hindi po! Alam ko po kasing mali 'yon. Kahit siguro ako na may girlfriend tapos inaagaw o sinusulot ng iba magagalit din ako at mararamdaman ko din yung naramdaman ni Edgar.”

Ngunit nang tanungin kung naa-attract ba siya sa babaeng mas matanda kaysa sa kanya, walang-alinlangang umamin ang aktor.

“Attracted po, yes, ika nga nila age is just a number.”

Ayon pa kay Anjo, hindi imposibleng ma-in love ang mas batang lalaki sa may edad nang babae

“Kung mahal niyo naman talaga ang isa't isa at masaya kayo na alam niyong you're for each other eh possible po talaga!”

Nagbigay din ng kanyang pananaw at payo si Anjo tungkol sa mga natutuksong mangaliwa sa kanilang partner o asawa.

“Siguro po hindi na masaya, nasasaktan sila, nakukulangan sa mga partner nila. Siguro din po hindi sila contented sa mga nakukuha nila sa partner nila kaya nangangaliwa.

“Ang advice ko lang po siguro ay always pray, pray na i-guide kayo ni Lord sa tamang direction patungo sa magandang kinabukasan with your partner.

“Pray na maging okey ang lahat with your partner na lalo maging strong ang relationship at siyempre kung hindi pa naman ready na pumasok sa isang relationship, 'wag na muna sana.

“Iwasan natin makasakit ng tao at kung may asawa, girlfriend o boyfriend na, iwasan din na makasira ng isang relationship.”

Binigyang diin din ni Anjo na dapat pa ring bigyang prayoridad ang pamilya.

“Unahin po dapat ang pamilya dahil kahit ano mangyari ang pamilya mo hinding hindi ka iiwan kahit ga'no kahirap ang buhay.

“Sila't sila lang din ang nandiyan para sa'yo. Sila din ang mga taong magsisilbing inspiration na tutulong sa'yo sa pagbangon sa kahirapan.”

Panoorin ang kontrobersyal na istroyang isasadula nina Gardo Versoza, Tina Paner, Anjo Damiles, Miggs Cuaderno at Micko Laurente ngayong Sabado sa Wish Ko Lang,alas-kwatro ng hapon sa GMA-7.

WATCH: Ahron Villena on his controversial scene in 'Ilaban Natin 'Yan': "Talagang all-out ang ipapakita ko dito"