Showbiz News

Lolit Solis, bilib sa kabutihan ni Marian Rivera

By Aaron Brennt Eusebio

Hanga ang beteranong showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis sa pagkakaibigan nina Marian Rivera at Boobay.

Unang nagkatrabaho sina Marian Rivera at Boobay sa defunt Sunday variety show ng GMA na Sunday PinaSaya.

Kuwento ni Lolit, tahimik na tumulong si Marian noong na-stroke si Boobay noong 2016.

Aniya, “Maalala mo ng mag heart attack si Boobay? Ang unang tumulong sa hospital hanggang paglabas ni Boobay, si Marian Rivera ang nanduon.”

“Wala balita, press release, salita galing kay Marian, basta tahimik lang siyang tumulong.

“Mahalaga lang ang kalusugan ni Boobay, gumaling lang. Kaya naman very close ang dalawa dahil nakita ni Boobay iyon sincere na pagtulong ni Marian sa kanya, iyon pag aasikaso.

“Iyon ang mga charity acts na talagang mula sa puso, galing sa puso, hindi ipinagkakalat, kaya mas doble ang halaga.

“Iyon ang ibig siguro sabihin na pag meron kang ginawa, hayaan mo iyon ginawa mo will speak for yourself, huwag ikaw ang dumadakdak tungkol dito.

“Charity is an act of class, dapat pag ginawa mo, dinagdagan mo ng class para mas sosyal. Tahimik lang.”

Nang nag-birthday si Marian noong August 12, muli siyang pinasalamatan ni Boobay dahil sa kanyang ginawa noon at tinawag niya itong 'Savior.'

Ani Boobay, “To my Angel, my Savior, and My Loves @marianrivera --- happy happy birthday!”