Showbiz News

Eric Fructuoso clarifies viral tricycle photo

By Cara Emmeline Garcia

Nilinaw ni Gwapings member Eric Fructuoso na hindi siya namamasada ng isang tricycle sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang Facebook, ipinaliwanag ng aktor na nais lamang niyang maka-inspire sa kapwa niya Pilipino.

Kumento niya sa nasabing larawan, “Picture lang to motivate and inspire.

“Hindi lang inintinde 'yung post pero keri lang. Hindi ko rin naman tatanggihan ang pagkakataon.”

Comments ni Eric Fructuoso tungkol sa kanyang viral “tricycle” picture / Source: Frederick Magdaluyo Fructuoso (FB)

Noong Sabado, August 15, ibinahagi ni Eric na huwag maliitin ang mga trabaho ng tricycle drivers sa isang separate Facebook post.

“May kumpare akong trike driver sa BF Homes at nung nag-garage sale ako dati, e, 'yung mga kasamahan niyang trike drivers na tropa ang bumile ng mga Ralph Lauren at Ferragamo ko.

“Kaya nga 'barya lang sa umaga' dahil buo buo pera nila,” biro niya.

Nag-post pa siya ng isang video upang ipaliwanag ang totoong layunin ng viral photo.

Para kay Eric, hindi kailangan ikahiya ang anumang trabaho basta ito ay marangal.

“Sa panahon kasi ngayon, hindi puwedeng maarte. Hindi pwedeng kaartehan ang pairalin. Basta ang pagkakakitaan ay ligal, titirahin natin.

“I'm just trying to live by example. Ibig sabihin, maging good example tayo sa ibang tao.

“Hindi dapat natin ikinahihiya 'yung ginagawa natin kasi may iba nahihiyang magbenta-benta, nahihiya sa pade-deliver ng kung ano-ano. At least kumikita 'di ba?

“Sa akin lang, hangga't hindi sila 'yung nagpapakain sa inyo ay 'wag niyo silang intindihin. Ganun lang 'yan.

"Walang mababang trabaho dahil trabaho lang 'yan. Lahat ng trabaho ay may silbi.

“Hindi naman tinuro sa school at ni God na maging judgmental tayo or maging mapanlait sa ibang tao. Always be kind to people.”

Sa huli, nagbigay pa ng payo si Eric sa mga gustong maging trending tulad niya.

“Hindi po kailangan clumeavage para mag-trending. #inspire #motivate #purpose.”

Kasalukuyang nasa Lipa, Batangas si Eric kasama ang kanyang pamilya.