Showbiz News

Lea Salonga defends KC Concepcion from body shamers

By Cara Emmeline Garcia

Nagpasabog ang anak nina Sharon Cuneta and Gabby Concepcion na si KC Concepcion kamakailan nang mag-post ito ng litrato na naka-red swimsuit.

Kitang-kita ang pagka-confident ng aktres sa kanyang voluptuos body kaya naman isinulat niya, “'If you can't love yourself, how in the hell you gonna love somebody else?' said RuPaul.”


Sa kabila ng maraming papuri na natanggap ni KC sa kanyang larawan, may ilan din ang pumuna tungkol sa “baby rolls” o “back fat” niya.

Saad ng isang netizen, “May fat ka sa wing back mo, KC. Remove mo 'to then take it again. Pretty mo dito, e, kaso disturbing 'yung fats sa likod.”

Dumating naman sa depensa ni KC ang multi-awarded singer na si Lea Salonga na nagsabing walang dapat baguhin ito sa kanyang katawan.

At saad ni Lea sa mga basher, “The haters here can choke on their own hate vomit.”

Matagal nang sinasagot ni KC Concepcion ang mga kritikong pumupuna sa kanyang katawan.

Aniya sa isang Instagram post, “Making my Portuguese curves shine everyday… in case someone's been living under a rock, curves are in, curves are NOW, curves are TIMELESS, and having this ultra-feminine shape?? I wouldn't have it any other way!

“Serving you a FILIPINA with LATINA CURVES. I'm here to celebrate all Filipinas who are like me.”