Showbiz News

Aiai Delas Alas kay Sandara Park: 'Napakabait na bata'

By Aaron Brennt Eusebio

Saksi si Aiai Delas Alas sa kabutihang puso ng Korean star na si Sandara Park matapos niya itong i-follow sa Instagram.

Nagkatrabaho noong 2004 sina Aiai at Sandara sa pelikulang Volta kung saan gumanap na title role si Aiai. / Source: imdb.com

Ayon kay Aiai, natutuwa siya na hindi pa rin nagbabago si Sandara kahit sumikat na siya nang husto sa Korea.

“Finollow ko si Kim Soo Hyun nung isang araw tapos nakita ko name ni Sandara kaya finollow ko siya,” kuwento ni Aiai.

“Kinamusta ko s'ya, nagulat ako kasi sumagot siya kahit super sikat na sikat na siya sa Korea.

“Icon na nga s'ya pero napakabait pa rin na bata, may opo pa rin sumagot.

“Baby girl salamat sa tsika at salamat napakabait mo pa ring bata.

“May GOD BLESS YOU MORE AND MORE.”

Nagkasama sa pelikulang 'Volta' noong 2004 sina Aiai at Sandara.

Sandara Park trends on Twitter after speaking Filipino in Korean show

Aiai Delas Alas praises Oh Jung-se's performance in 'It's Okay To Not Be Okay'