Showbiz News

Kevin Santos, emosyonal nang maalala ang 'StarStruck' audition photo

By Aedrianne Acar

Inspirasyon sa maraming kabataan lalo na para sa mga working student ang kuwento ng Kapuso comedian na si Kevin Santos.

Screenshot from Kevin Santo's Instagram account

Kamakailan lang, buong pagmamalaking ibinalita ni Kevin na nakapagtapos na siya sa kolehiyo sa Arellano University.

Bukod sa nakuha niyang degree na Bachelor of Arts in Political Science, nagtapos pa siya bilang cum laude!

Sa Instagram post ni Kevin ngayong Lunes, August 24, napa-throwback ang Daddy's Gurl actor sa ginamit niyang litrato noon para sa reality-based artista search na StarStruck.

Kuwento niya, “Itong letrato na to eto yung pinakiusap ni erpat sa SM Manila na kunan ako kahit 1 shot lang.. buti nalang kaibigan ni erpat yung nag pipicture, para lang makapag pasa ng picture sa gma [Walang Budget eh].”

Hindi raw makapaniwala si Kevin na matapos ang mahigit isang dekada ay nagawa niyang pagtapusin ang sarili niya sa kolehiyo at nakamit niya ang pangarap na maging piloto.

“Isipin mo yun yung huling 500 pesos ko sa pitaka pamasahe papuntang gma para mag audition sa starstruck.

“Hindi ko sukat akalain na dahil dun nakaya kong pag tapusin ang sarili ko sa pag aaral pati pag pipiloto ko. After 14 or 15yrs sulit ang sakripisyo” saad ni Kevin, na ka-batchmate sa StarStruck sina Mike Tan at LJ Reyes.

Sa huli, isang mensahe ang iniwan niya na hindi magiging hadlang sa isang tao ang kakapusan ng pera basta magtitiyaga at mag-iipon ng mahabang pasensya.

“Naisip ko na hindi talaga hadlang ang kakaunting pera sa pitaka para hindi mo maabot ang gusto mo sa buhay. Basta sasamahan lang ng mahabang pasensya at sipag at tiyaga.”

EXCLUSIVE: Kevin Santos, nagulat nang may show siya kahit una siyang natanggal sa 'StarStruck'

Kevin Santos, sinabing sulit ang halos isang araw na pagpila noon sa 'StarStruck'

LOOK: Kevin Santos proudly shows off his new look after losing weight