What's Hot

Jose Mari Chan on his perennial memes: "I'm complemented and I feel rewarded."

By Dianara Alegre
Published August 26, 2020 11:18 AM PHT
Updated September 4, 2020 2:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rider shot dead in Taguig ambush; 2 friends nabbed
5 cops relieved over robbery probe in Porac
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

jose mari chan christmas memes


Ayon kay Jose Mari Chan, “gratifying feeling” na taun-taon ay naaalala ng publiko ang awitin niyang "Christmas In Our Hearts."

Ilang araw na lang ay “ber” months na ulit at isa lamang ang ibig sabihin nito para sa mga Pilipino--simula na ng Christmas season.

At dahil malapit na ang Christmas season, muli na namang naglalabasan ang iba't iba at nakaaaliw na memes ng singer na si Jose Mari Chan, na sikat tuwing ganitong panahon dahil sa kanyang mga patok na awiting pang-Pasko.

Jose Marie Chan

Sa eksklusibong panayam ni Oscar Oida para sa 24 Oras, ibinahagi ng mang-aawit na alam niya ang mga meme tungkol sa kanya at labis siyang natutuwa sa mga ito.

Marami sa mga kumakalat niyang meme ay may kaugnayan sa hit Christmas song niyang "Christmas In Our Hearts."

“I'm flattered. I'm complemented and I feel rewarded that after 30 years, the song that I wrote 'Christmas In Our Hearts' is still loved and sung by people year after year. It's a gratifying feeling,” aniya.

Biro pa ng beteranong mang-aawit, “They are using the same picture. So in a sense, in those memes I'm forever young.”

Hindi rin naman nagpahuli sa konsepto ng sarili niyang meme si Jose Mari Chan dahil may napansin daw siyang kulang sa mga naglalabasa larawan niya.

“Actually, the latest meme that came out hindi ako naka-mask. Baka hulihin ako ng authorities,” natatawang sabi niya.

Samantala ayon sa eksperto, malaki raw ang advantage ng mga Pinoy dahil tumatagal ng ilang buwan ang selebrasyon ng mga ito ng Pasko, lalo na ngayong may COVID-19 pandemic.

“Sa panahon ng pandemic, papaano 'yung Pasko? Tuloy pa rin ang Pasko. Dahil 'yung Pasko ay simbolo ng pag-asa.

“Kailangan natin ng mas maraming Pasko sa palagay ko.

"Kasi, pagdating ng Pasko maraming nagbabago. Pwedeng ang Pasko ay hindi gamot sa COVID-19 pero babaguhin nito 'yung attitude natin,” pahayag ni Professor Jimmuel Naval, isang Cultural Analyst at Historian.