Showbiz News

Paolo Contis at Vaness Del Moral, excited na sa season 2 ng 'Just In'

By Maine Aquino

Excited na ibinahagi nina Paolo Contis at Vaness Del Moral na season 2 na ng kanilang Wednesday online show na Just In.

Ang Just In season 2 ay mapapanood every Wednesday at 8:00 p.m. sa GMA Artist Center YouTube channel


Sa launch ng official YouTube channel ng GMA Artist Center ngayong August 31 nagkuwento sina Paolo at Vaness tungkol sa kanilang programa.

Saad ni Paolo, "Tulad ninyong lahat naging Wednesday habit ko na rin ang Just In para makapagkuwentuhan at makipagkumustahan sa inyong lahat."


Ibinahagi naman ni Vaness na favorite niya ang Just In dahil nakakausap niya ang ilang celebrities na hindi na napapanood sa TV o nasa ibang bansa na.

"Hi! Season 2 na ng Just In and sobrang favorite ko 'tong show na 'to dahil dito nakakumusta natin at nakakausap natin ang mga artistang matagal na nating hindi napapanood sa TV at siyempre 'yung mga artistang nasa ibang bansa na."


Subaybayan ang Just In hosted by Paolo and Vaness by subscribing to GMA Artist Center's YouTube channel!

GMA Artist Center, named as most engaging brand on Instagram

Vaness del Moral, ibinahagi ang kanyang memorable interviews sa 'Just In'