TV

Vaness del Moral, ibinahagi ang kanyang memorable interviews sa 'Just In'

By Maine Aquino

Malapit na magsimula ang Season 2 ng Just In.

Nang mag-guest sa Quiz Beh si Vaness del Moral, ibinahagi niya ang kanyang pasasalamat sa mga nanonood ng kanilang online show at pati na rin ang ilang detalye tungkol sa programa.

Kuwento ni Vaness, ang unang episode ay iho-host ni Paolo Contis.

"Season 2 na! Simula na ng bagong season kaya pangungunahan 'yan ni Paolo Contis."

Itinanong rin kay Vaness kung sino sa kanyang mga na-interview ang mga tumatak sa kanya.

Aniya, "Mahirap pumili kasi sa lahat ng in-interview ko, iba-iba 'yung experiences. So with Michelle Madrigal masaya 'yung interview na 'yun because it's about her being a mom and a wife in Texas, leaving everything behind, even becoming an artista, a successful career. Moving, that's a big step.

"Sumunod siyempre yung kay G. Tongi na nasa Amerika rin.

"'Yung last episode ko with Carla Abellana. Sayang nga lang wala si Iya (Villania). Masaya sana 'yun!"

Kuwento pa ni Vaness, maaaring mag-request ang kanilang viewers kung sino ang gusto nilang i-guest sa show.

"Guys, patuloy lang kayong manood ng Just In. Kung mayroon kayong mga artista na gusto ninyong makamusta online, sabihan niyo lang kami. Mag-comment lang kayo."

Sa season 2 ay magiging kaabang-abang ang episodes.

Natatawang sinabi ni Vaness, "Kailangan nilang abangan kasi kahit ako hindi ko rin alam kung sino e."

Just In: Mga itinatagong kakulitan ni Vaness Del Moral, panoorin! | Behind The Scenes

Just In: Vaness Del Moral, NAIYAK sa kuwento ni G. Toengi! | Episode 4