Showbiz News

Pekto Nacua, nagkuwento tungkol sa kanyang online show na 'E-Date Mo Si Idol'

By Maine Aquino

Simula ngayong September 3, si Pekto Nacua na ang ating magiging host ng GMA Artist Center online show na E-Date Mo Si Idol.

Sa ginanap na online interview with the press nitong August 27, ibinahagi ni Pekto ang kanyang pakiramdam sa bago nitong proyekto.

Kuwento ni Pekto, malaking adjustment ito para sa kanya dahil sanay siya sa dating setup ng pag-shoot. Ngayon, kanya kanya na silang set up sa kanilang mga bahay.

"So far medyo siyempre nag-a-adjust po ako and siyempre bago sa buhay namin 'to kumbaga e kami nga po gaya ng sabi ni Betong (Sumaya) kami po lahat nagsi-set up and preparation."

Naobserbahan naman umano niya kung paano mag-setup dahil sa mga dating mga taping na kanyang pinupuntahan.

"Siyempre nakikita na namin sa studio na ganito pala mag-ilaw, ganito pala maganggulo, so natututunan na rin po namin."

Nilinaw niya na mahirap man gawin ito, nakakatulong naman umano ito lalo na ngayon na naka-community quarantine.

"Although alam na rin naman po namin na ganon ang sitwasyon. Mahirap pa rin po.

"Kailangan malakas yung internet mo. At the same time yung preparasyon mo.

"Pero malaking tulong kasi nga yung pagkabagot po at least nababawasan man lang kahit papaano dahil nga po ilang buwan na pong walang ginagawa sa showbiz."

Nagpapasalamat naman si Pekto na naging host siya ng isa sa mga online shows sa GMA.

"Malaking bagay rin po talaga na binigyan kami ng pagkakataon ng GMA na gawin ang online shows na 'to. Very thankful po kami and especially ako po, nagpapasalamat rin po."

Mapapanood si Pekto sa E-Date Mo Si Idol ngayong September 3 with celebrity searcher Will Ashley.

Paolo Contis at Vaness Del Moral, excited na sa season 2 ng 'Just In'

GMA Artist Center takes over YouTube!