Showbiz News

Glydel Mercado, karangalan ang mapiling bida sa Winner September ng Wish Ko Lang

Sa Winner September line-up ng bagong Wish Ko Lang, pagbibidahan ng award-winning actress na si Glydel Mercado ang unang episode na “Nalunod.”

“I am honored and privileged that they chose me to be a part of this episode,” sabi ng aktres.

Sa episode na “Nalunod,” gagampanan ni Glydel ang papel ni Liza, isang ina na nangangarap ng masayang buhay para sa kanyang pamilya sa kanilang simpleng bahay. Ngunit sa kasagsagan ng bagyong Enteng nitong nakaraang Agosto lang, malaking unos ang biglang sumubok sa katatagan ng mag-anak. Sa kasagsagan kasi ng buhos ng malakas na ulan, buong bahay nila ang inanod!

Sa papel na ito, nahirapan daw sa taping si Glydel. "Kailangan kasi sumunod sa mga safety protocol tulad ng pagsuot ng mask at social distancing habang nasa taping. Syempre ngayon, hindi lang 'yung pag-arte ang iniisip mo. Pati ang safety ng lahat kailangang i-consider na rin."

Kasama rin ni Glydel sa episode na ito sina Allen Dizon at Teri Malvar. Ito ay sa panulat ni Evie Macapugay, punong-panulat ni Erwin Caezar Bravo, at sa direksyon ni Rommel Penesa."

May mensahe naman si Glydel sa mga nakararanas ng pagsubok ngayong panahon ng pandemya, “Just don't lose hope and always trust God for He will not give you trials that you cannot overcome.”

Abangan kung paano hinarap ni Liza ang pagsubok sa kanyang pamilya ngayong Sabado, September 5 , 4pm sa bagong Wish Ko Lang!