Showbiz News

Vlogger Lloyd Cadena passes away

By Cherry Sun

Yumao na ang vlogger na si Lloyd Cadena. Ito ang malungkot na ibinalita ng kanyang pamilya gamit ang kanyang Facebook page ngayong araw, September 4.

Mababasa sa Facebook page ni Lloyd ang pahayag ng kanyang pamilya.

Ayon dito, “It is with a heavy heart and great sadness that we announce the untimely demise of our beloved brother Lloyd Cafe Cadena. May he be remembered for all the joy and laughter he shared with everyone. My family and I ask for your prayers, respect, and privacy during this time.”

Nag-umpisa si Lloyd bilang content creator sa YouTube channel noong 2010

Nakilala siya dahil sa kanyang mga nakatatawang reaction videos at daily vlogs.

Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit tatlong milyon ang subscribers ni Lloyd sa kanyang YouTube channel.

Bukod sa pagiging YouTube content creator, nakapaglabas na rin ng ilang libro si Lloyd Eng Serep Megwele (2014), Hopia (2015), Mahal Ko na Siya... Rak na Itu! (2016), at Ex-Rated (2018).

Samantala, hindi naman napigilang ipakita ni Macoy Dubs ang kanyang pagdadalamhati at humiling ng panalangin para sa kanyang kapwa content creator at ka-eskuwela.

Nakumpirma raw niya ang nakalulungkot na balita mula sa group chat ng Letran Student Council alumni.

Wika ni Macoy, “Ang hirap tanggapin kasi napakabuting kaibigan ni Lloyd sa amnin. And as you may all know, deserve niya ang lahat ng success na nare-receive niya dahil napakabuti niyang tao.”

Si Lloyd ay pumanaw sa edad na 26 taong gulang.