Showbiz News

Herlene Budol, memorable ang confrontation scene sa 'Wish Ko Lang'

By Racquel Quieta

Na-miss mo ba ang nakakatawa at nakakaaliw na si 'Sexy Hipon' Herlene Budol? Puwes, mapapanood siya muli sa GMA-7 ngayong Sabado sa 'Nasunog' episode ng Wish Ko Lang.

Herlene Budol, nagkuwento kung bakit memorable ang confrontation scene niya sa Wish Ko Lang

Kaabang-abang ang role ni Herlene sa 'Nasunog' episode. Gaganap siya rito bilang si Karen, ang atribidang asawa ni Junjun, na gagampanan naman ni Kapuso actor Juancho Triviño.

Kasama rin sa episode sina Thea Tolentino at Arra San Agustin bilang ang mga kapatid ni Junjun na sina Jenny at Jelay, pati ang aktres na si Almira Muhlach bilang kanilang ina na si Sally.

Malapit ang magkakapatid simula pagkabata pero masusubok ang tibay ng relasyon nila nang mag-away sina Karen, Jenny, at Jelay.

Sina Almira Muhlach, Thea Tolentino, Arra San Agustin, at Herlene Budol sa 'Nasunog' episode

Madidiskubre kasi nina Jenny at Jelay na nagtataksil pala si Karen sa kanilang kapatid na si Junjun.

Bukod dito, isa pang pagsubok ang pagdadaanan ng magkakapatid nang masunog ang grocery kung saan sila nagtatrabaho.

Juancho Triviño at Thea Tolentino sa isa mga kaabang-abang na eksena

Sa panayam kay Herlene sa press con para sa Winner September ng Wish Ko Lang, sinabi niya na inspiring ang kuwentong tampok sa 'Nasunog' episode.

“Yung buhay nila nakaka-touch. Nasunog kasi sila eh. Buo pa rin yung pamilya niya kahit maraming problemang dumating.

“May namatay tapos may kumabit. Basta, buo pa rin yung pamilya nila kahit na ano'ng mangyari.”

At nang tanungin kung ano ang most memorable scene sa episode na ito para kay Herlene, ibinulgar nito na ang confrontation scene ang pinaka hindi niya malilimutan.

“First time ko pong binugbog ako sa (eksena). Bugbog talaga! Dami pang take. Oo, ang sakit ng sabunot, mga higa-higa.

Biro pa ni Herlene, “Gusto ko sa susunod ako yung mambubugbog para makabawi ako. (laughs)”

“Dati lagi akong ano...yung mga role ko parang ano lang, kengkoy lang, pero hindi naman ako nasasaktan. Nung ano, sumakit talaga (yung) katawan ko talagang-talaga!”

Pero hindi naman daw umaangal si Herlene at kayang-kaya naman daw niya kahit walang double.

Sadyang memorable lang talaga para sa kanya ang naturang eksena dahil first time niya itong ginawa.

“Kaya ayon yung parang bago sa role ko. Nabugbog ako. Masakit katawan ko pero masaya kasi na-experience kong mabugbog doon, ganun, para maiba naman.”

Abangan ang mas pinatindi at mas pinalaking mga eksena sa bagong Wish Ko Lang, ngayong Sabado, alas-kwatro ng hapon sa GMA-7.

Mga babaeng palaban, bibida sa Winner September ng bagong Wish Ko Lang