Showbiz News

Maureen Larrazabal, emosyunal sa pag-aalagang natanggap mula Pepito Manaloto' family

By Aedrianne Acar

Kilala ng marami ang comedienne at character actress na si Maureen Larrazabal bilang masayahin at pagiging positibo ng pananaw nito sa buhay.

Ngunit sa kanyang Give Me Five exclusive video, muntik siyang maiyak nang balikan ang naging karanasan niya nang makumpirmang positibo siya sa COVID-19 at isa siyang asymptomatic patient.

Dito, ibinahagi niya ang best moments niya sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento at isa dito ay nang isinama pa rin siya sa taping ng award-winning sitcom kahit naka-self quarantine siya dahil sa coronavirus.

Pagbabalik-tanaw ni Maureen, “Medyo nagiging sensitive ako pagdating dito, ito 'yung last taping ko with Pepito, na naka-quarantine ako at naka-isolate because I'm COVID positive.

“Very grateful kasi ang pagkatao ko sa totoo lang and this time mas naramdaman ko 'yung pasasalamat ko sa show, pasasalamat ko sa lahat.”

“Cause kahit mayroon akong sakit, hindi nila ako binitawan!

"Sama-sama kami altogether, pinag-taping pa rin nila ako. I'm working from home, tinuruan nila ako how's it done.”

Halos maiyak na ang Kapuso actress nang bangiitin nito ang pagmamahal na ipinakita ng buong Pepito Manaloto team para sa kanya.

Pagpapatuloy nito, “Sinuportahan nila ako all the way na mararamdaman mo talaga na may puso talaga sila, hindi lang sila katrabaho.

“Mga Kapuso talaga. Yan, naiiyak ako.”

Alamin pa ang best moments ni Maureen Larrazabal sa Pepito Manaloto sa video above.

Maureen Larrazabal, sinabing may paghihigpit sa pababalik-taping ng 'Pepito Manaloto'

EXCLUSIVE: Maureen Larrazabal, inilahad ang naranasang pagsubok nang mag-positibo sa COVID-19