TV

Maureen Larrazabal, sinabing may paghihigpit sa pababalik-taping ng 'Pepito Manaloto'

By Aedrianne Acar

Safety and health.

Ito ang pangunahing concern ng flagship sitcom ng GMA-7 na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento sa pagbabalik-taping nila sa gitna ng nararanasan pa din nating pandemya.

Sa eksklusibong panayam ng comedienne na si Maureen Larrazabal sa Kapuso Showbiz News, inisa-isa niya ang mga strict protocols ng kanilang comedy show sa tuwing magsho-shoot sila.

Pagbabahagi ni Maureen, “Actually very strict ang Pepito Manaloto, when it comes to that because ang Pepito [Manaloto]kasi is like a family, so ang concern talaga nila is the safety of everyone.

“So, prior to the taping schedule marami kaming series of zoom meetings. May mga memos nang inalabas, inexplain nila isa-isa 'yung mga do's and dont's sa tapings to a point na we are all laughing kasi medyo, 'Uy! Nakakapanibago'.”

Magiging kakaiba daw ang experience nila ng mga cast member kapag nag-start na sila mag-taping on location, dahil nabawasan ang kanilang interaction para mabawasan ang risk na magkahawaan ng COVID-19.

Pagpapatuloy ng Kapuso star, “Usually 'pag lunchbreak or dinner break we gather in one place and we eat all together, so maingay, tawanan. So, umabot kami sa point na, 'Uy! Bawal mag-usap when eating.'

“And then you have to do this on your own, do that on your own. Of course, we need to follow 'yung SOP [and] 'yung protocol. And I have nothing against that, we have nothing against that kaya ginawa namin lahat 'yun.”

Dagdag niya, “And then, nag-script reading na kami, usually up front [motion with her hand], ganito kami magkakatapat kami, nagi-i-script reading kami sa set mismo.

“Ngayon, ginawa namin lahat ng puwedeng gawin sa zoom, like sa script reading mga revisions and all bago kami pumasok.”

Napa-hirit pa si Maureen nang mapag-usapan ang swab testing.

Matatandaan na nalaman ng sexy comedienne na asymptomatic patient siya sa ginawang test sa GMA-7, bago ang taping ng Pepito Manaloto.

“And of course, 'yung pinaka-importante 'yung swab testing 'yan nga.

"So ako dinaanan ko 'yun lahat umabot ako hanggang sa swabbing, pagdating sa swabbing it turned out na positive. 'Ay!, huwag na hanggang doon lang pala ako swabbing [laughs].”

“But siyempre, still grateful you know why? Because, sila din mismo ang nagbigay ng idea mismo to tape and work from home.”

“So, kasama pa rin ako. Hindi talaga ako inalaglag, iniwan ng Pepito family,” pahayag ni Maureen Larrazabal sa pagkunsidera sa kanyang kundisyon.

Dahil sa samu't-saring safety protocols tulad na lang sa pagbabawas ng tao sa mismong shoot ng Pepito Manaloto, paano haharapin ng magaling na comedienne ang “new normal” sa pagbabalik niya sa trabaho?

Wika niya, “Ako naman kasi, okey lang sa akin at hindi kasi ako ma-makeup, e, so sanay ako na ako lang nagmi-makeup sa sarili ko.”

“Ang pinakamahihirapan lang ako actually is mag-set up ng gamit ko, kasi natutulog ako sa set pag nag-aantay, mahilig ako matulog.

“Tapos, mahilig din ako kumain, so nagpapadala ako ng mga food and all. 'Yun ang mahihirapan ako, kasi walang tutulong sa akin sa mga ganung bagay.

"Pero, other than that wala-wala naman ako magiging isyu doon.”

EXCLUSIVE: Maureen Larrazabal, inilahad ang naranasang pagsubok nang mag-positibo sa COVID-19

Maureen Larrazabal, sinabing conscious ang 'Pepito Manaloto' sa pag-portray ng LGBTQIA+ characters