Showbiz News

Fart mode on, Stephanie! | 'My Love From Another Star' Recap

By Cara Emmeline Garcia

Sa ikalawang linggo ng My Love From Another Star, hindi pa rin makapaniwala si Justin (Nadech Kugimiya) sa nakita niyang litrato ng babaeng nakilala niya noon.

Para malaman ang puno't dulo nito, muli siyang nagpakita kay Stephanie (Matt Peranee) para tanungin kung sino ito para hanapin ngunit paliwanag ng aktres, siya ang babaeng nasa larawan.

Rinig hanggang sa kuwarto ni Justin ang labis na pamimilipit ni Stephanie sa sakit.

Sa tingin ni Justin, baka appendicitis na ang nararamdamang sakit ng kanyang kapitbahay kaya hindi niya natiis na dalhin ito sa ospital.

Habang naroon, naisip ni Stephanie na ipinakilala si Justin bilang kanyang manager dahil isa siyang public figure. Sumakay kaya si Justin sa plano ni Stephanie?

Patuloy na panoorin ang My Love From Another Star mula Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad.