Showbiz News

Lolit Solis, pinuri sina Marian Rivera at Alden Richards sa kanilang pag-handle sa bashers

By Cherry Sun

Hanga si Lolit Solis sa husay nina Marian Rivera ) at Alden Richards sa pag-handle ng kanilang bashers. Palagay ng beteranang talk show host at manager, may kinalaman ito sa kanilang pamilya.

Pansin ni Lolit na kabilang sina Marian at Alden sa mga artistang madalas iniintriga at pinupuna ng bashers.

Aniya, “Siguro Salve talagang maituturing mo na pinakapopular stars ngayon sila Alden Richards at Marian Rivera. Kasi nga sila Marian at Alden ang para bang kahit ano gawin lagi na lang meron comment ang lahat. Imagine mo na pati ang hindi pagsusuot ng face shield ni Alden sa tease ng kanyang show sa GMA bashing ang inabot. Konting galaw, konting salita, hayan na at kukuyugin na sila Alden at Marian.”

Gayunpaman, pansin din daw niyang marunong magdala ang dalawang Kapuso stars.

Patuloy ni Lolit, “Mabuti na lang at solid and happy ang kanilang household, kaya naman matibay ang kanilang shield laban sa mga paninira. Pag maganda ang family life mo at sorrounded ka ng mga taong nagmamahal sa iyo, hindi mo mapapansin iyon puna ng mga outsiders. Iyon kasing pagmamahal na nadarama mo sa pamilya, frontline iyon na sumasangga sa mga negative vibes from the outside.

“Iyan ang panlaban nila Marian at Alden, iyon love na nadarama nila sa circle of people na nasa paligid nila. Kaya balewala iyon mga pintas at bashing from the outside, dahil mas importante iyon love na lagi nila nadarama sa mga close sa kanila. Kaya to hell sa mga nega, basta happy sila, wala na, may nanalo na 'no!”

#HuwagKangBastos: Celebrities na pumalag sa mapanirang post ng bashers