Showbiz News

Balikan ang pag-iibigan nina Sen. Miriam Defensor Santiago at Jun Santiago sa 'Wagas'

By Aaron Brennt Eusebio

Muling mapapanood ang pag-iibigan ng yumaong senadora na si Miriam Defensor-Santiago at dating DILG undersecretary Jun Santiago sa Wagas bukas, September 27.

Ginampanan ni Heart Evangelista si Sen. Miriam, na tumatayo ring nanay-nanayan niya noong nabubuhay pa ito. Si Geoff Eigenmann naman ang gaganap bilang Atty. Jun Santiago.

Unang ipinalabas sa GMA News TV noong 2013 ang pag-iibigan nina Sen. Miriam at Jun Santiago. Muli itong ipinalabas noong October 1, 2016, ilang araw matapos pumanaw ang senadora sa sakit na lung cancer.

Tumutok lang sa Wagas bukas, September 27, pagkatapos ng All-Out Sundays, sa GMA Network.