Showbiz News

Pia Guanio, one-woman team habang nagshu-shoot ng kanyang lifestyle program

By Aedrianne Acar

Subok na ang talento ni Pia Guanio bilang host. Bukod sa pagiging mainstay sa longest-running noontime show na Eat Bulaga, matagal din siya naging “showbiz chikadora” sa Chika Minute segment ng 24 Oras.

Pero mukhang may nahasa pang skills si Pia sa gitna ng nararanasan nating COVID-19 pandemic, dahil ibinahagi niya sa kanyang Instagram post na “one-woman” team siya sa lifestyle and real estate program niya na Home Base Plus.

Ayon sa magaling na Kapuso host, gumanap siya bilang writer, makeup artist, camera woman at host habang shino-shoot mag-isa ang buong season ng kanyang show.

Saad niya, “I've always been writing the intro and extro spiels along with hosting it but this time, thanks to my producer, @marniepmanicad's faith in me and quarantine, I got to host, do hair and make up, light, direct, shoot and style (with help from @rexatienza) the entire season!

"Go easy on me it's my first time but thank You Lord I got it done!”

Samantala, simula noong Hunyo ay napanood na sa Eat Bulaga is Pia Guanio. Nakikipag-alternate din siya sa hosting duties sa APT Studios sa Cainta, Rizal with Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Wally Bayola, Ryan Agoncillo, Maine Mendoza at Alden Richards.

Pia Guanio, tinuturuan ng pagtitipid sina Scarlet at Brooklyn

Pia Guanio, nawalan ng kuryente sa pagsalubong ng kaarawan ng asawa